Ang Umpisa
"Asan ako?" pagmulat ko pa lang ay nakita ko na si Zake sa tabi ko na nakaupo. Di siya sumagot at kinuha niya lang ang gamit ko. Luminga na ako sa paligid. Parang kusang nawala ang dugo sa mukha ko at nahigit ko ang aking hininga. Alam kong napansin ni Zake yun dahil sa biglaang pagpunta niya sa akin para ako ay daluhan.
"Don't worry, aalis na rin tayo." Inilalayan niya ako habang sapo-sapo ko ang aking dibdib. Para akong nauupos na kandila, dahil sa lugar na kung nasaan ako.
"We have to go. I'll take care of her records." Sabi niya sa nurse na sumasalubong.
"Are you okay?" huminga muna ako ng malalim bago ngumiti at tumango sakaniya.
"I'm sorry. Dapat kasi iuuwi na kita kaso pinigilan ako ng nurse, dahil hihintayin ka pang magising." Sabi niya ng malungkot.
"It's okay. No harm done. Ah? Paano nga pala ako napunta sa Clinic?" tanong ko.
"Ah...Tinamaan ka kasi ng bola kanina." Nanlaki naman ang mata ko. Kaya pala may masakit na parte sa ulo ko. Tinignan ko ang siko ko at tuhod. May pasa at gasgas nga.
"Hahaha kaya pala ang sakit ng ulo ko." Tumawa ako dahil parang na-i-imagine ko ang itsura ko.
"Tss. Tumawa ka pa." ginulo niya pa ang buhok ko. Pinalo ko naman ang kamay niya. Tumawa lang siya.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
General FictionChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...