Kung sakali
Zake's
"Ok! Sa labas tayo!" Sigaw ni Gray nang mapag-usapan namin. Di naman masyadong mainit kaya sa labas ang practice game ngayon.
Maaga akong pumasok dahil sa unang araw ko sa pagiging member lang sa grupo. Ayoko naman masigawan ng bagong CAPTAIN namin. Marami pa ring nagkakamali sa pagtawag sakin kaya natatawa na lang ako. Iba naman ang tingin ni Gray sakin, simula ng ibinigay ko sa kanya ang pwesto. Ewan ko, parang may mali eh.
Lumabas na kami sa covered court. Swerte talaga namin dahil sa di masyadong mainit ang panahon. Napangisi ako dahil sa ginagawa ni Gray na training. Bumabawi yata ang loko! Lumapit ako sa kanya habang naglalakad papuntang Oval.
"Sineseryoso mo naman yata masyado, pre?" tinignan niya naman ako ng masama. Bakit? Anong ginawa ko? Ah! Napangisi ulit ako habang sinisiko siya sa tagiliran.
"Haha Captain! Sige payag! Kala ko ba ayaw mo ng mahirap ang training?" siniko ko pa siya dahil seryoso pa rin ang mukha. Nakakatawa talaga 'tong gagong 'to! Nung ako ang Captain, ako ang binibiro-biro ng ganito. Ngayon naman, sobrang seryoso.
"Sabi mo nga, ang training na ito ay para manalo." Walang emosyong sabi niya. Ano bang nangyari dito? Tumawa ako.
"Woah! What was that? What happened to you? Brokenhearted?" ngumisi pa ako sakanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin at lumayo sakin. Ano bang nangyari dun? Nakakapanibago.
Naglaro lang kami pagkatapos hatiin ni Gray sa dalawa ang Team. Siya ang leader sa isa at ako naman sa kabila. Nagsimula na ang laro at umpisa pa lang mainit na. Konti lang ang mga nanunuod dahil sa mga may klase ang iba. Saka isa pa, lunch na kaya malamang nasa Cafeteria ang karamihan.
Practice game lang naman ito ng team, pero mukhang dapat kong seryosohin. Una kaming nakagoal, kaya mukhang parang siniklaban si Gray. Di ko alam kung bakit? Galit ba sakin 'to? O seryoso lang talaga?
Nagpahinga kami pagkatapos ng game pero mukhang ayaw pa tumigil ni Gray. Nanalo sila dahil sa natapilok ako ng isang kasama ko, kaya di sadyang tumama ang nasipa kong bola sa paa ng goal keeper kaya hindi nakalusot. Mas mukhang nagalit si Gray, kaya pinagalitan niya ang mga kasama niya.
Natigil ako sa pag-inom ng tubig, nang namataan ko si Zeph na nandito sa Oval. Anong ginagawa nito dito? Tinext ko siya. Di naman siya nagreply. Nakita ko siyang tumingin kay Gray. Samantalang, nakatingin lang din si Gray sa kanya habang nakikipaglaro pa kay Luke, na ka team namin at kasama niya kanina. Ano bang meron sa dalawang ito? Nagtext ulit ako sa kanya dahil nagugutom na din ako. Ayain ko siyang kumain. Nakita ko siyang tumango at tumayo. Lumapit naman ako kay Gray.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Ficção GeralChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...