[Warning: Please walang bubugbog sakin kapag nabasa to :D]
He wouldn't
"Paano mo nalaman?" biglaan kong tanong nang makalma siya.
Lumingon siya sakin at mataman niya kong tinignan. "Everybody knows." mabigat na sabi niya.
Namilog ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Alam ng lahat? Paano? Bakit hindi ko alam? Bakit walang nagsasabi sakin? Alam ba 'to nila Noreen, Sykie, at Kristen? Bumuhos ang mga tanong na 'yan sa utak ko at hindi ko alam kung paano iisahin isahin kay Gray ang pagtatanong.
Ngunit isang tanong lang ang namutawi sa bibig ko. "Kailan pa?" Kagat kagat labi kong sabi.
Nag-iwas siya ng tingin. "I knew it since I saw you. But someone spread it like a wild fire yesterday. That's why nandun ako sa bahay niyo kanina." Huminga siya ng malalim saka tumingin muli sakin. "I lied and I'm not sorry. Pinilit kitang sabihin yun sakin and I'm hurt dahil ayaw mo." Aniya sabay pikit ng mariin.
Kusang umawang ang bibig ko sa sinabi niya. Alam niya simula nung nagkita kami? N'ong oras na sinipa niya ang bola patungo sakin? Pero alam na ng lahat. Mas kailangan ko ng umalis nito.
"I have to go." Agaran kong sabi na nakapagpalingon sa kaniya ng marahas.
Inabot niya ang braso ko nang tumayo ako. "No!" Gulat ako nang magtaas siya ng boses. "I'll explain everything to you. I shouldn't let you go hangga't hindi ko nasasabi lahat." Mabilis ang paghinga niyang sabi.
Nanliit ang mga mata ko habang nakatingin sakaniya. Base sa mga reaksyon. He really knows everything. But ayokong makinig sakaniya para lang makuha ang loob ko. Too much lies will lead you nowhere. Mas lumakas ang namumuo kong paghihinala kaya di ko kayang magtagal dito. Sino ang nagpakalat kung hindi siya?
"No. I didn't do it. Don't look at me like that, woman." May pagbabanta niyang sabi ngunit marahas kong hinawi ang kamay niya sa braso ko.
Nagsimula na kong humakbang palabas nang kusina niya nang maalalang sarado ang pintuan. Damn it!
"Go. If you really don't want to hear my side."
Mariin kong pininkit ang mata ko at nagmulat bago dumiretso sa pintuan. Luckily, the door is not locked.
Mabilis kong pinara ang taxi at nagpahatid sa subdivision namin. Agaran ang pagsigaw ko sa gate namin para tawagin si Yaya. Tarantang sumunod ang mga Guard kaya humahangos kong Yaya ang nakita.
"Zeph! Anak! San ka ba nanggaling? Gabing gabi na. Andyan ang Daddy mo!" Puno ng pag aalala ang boses ni Yaya. Ngunit di ko yun pinansin at humingi ng pambayad. "Jusko kang bata ka! Kung saan saan ka napupunta. Wala ka palang kadala-dala."
"Yaya! Tama na pag aalala." Bahagyang hinila ni Yaya ang buhok ko dahilan para mapangiwi ako. "Andito na po ako. Where's Zake? I need to talk to him." Madalian kong sabi.
"Nasa kwarto niya. Teka nga! Kumain ka na ba? Pasado Alas diyes na. Kanina ka pa pinapahanap!" Napasimangot ako. Sobrang dami talagang tanong ni Yaya.
"Yaya. Kumain na po ako. Kalma na po kayo. Pupunta na po ako sa taas." Ani ko sabay halik ko sa pisngi niya. Mataman niya lang akong tinignan mula ulo hanggang paa.
"Mukhang may nagpapaibig na sa alaga ko." Ngumisi lang siya ng bahagya at makikita mo ang lungkot dun. "Parang kailan lang."
Napanguso ako. Here we go again. "Yaya. If I'm inlove, you're the first woman who'll know that. Okay?" Aniya ko at tumango naman siya. Hinalikan ko siya sa noo at nag good night.
Tinawid ko ang distansya mula sala hanggang sa kwarto ni Zake. Kinatok ko yun at kaagad naman ang pagbukas nito.
"We need to talk." sabay naming sabi ngunit alam kong seryoso ito kaya hindi ko iyon ininda.
Nanginig ang labi ko nang sabihin ang mga iniisip ko. "Not really everyone. The soccer team may be an everyone. You're batchmates, also." sagot ni Zake nang tanungin ko kung gaano kakalat ang balitang yun.
"Did you know that Gray knew about us? That we're siblings?" mahina kong sabi na nakapagpariin ng titig niya sakin.
Umiling siya. "No. I don't know that. But..." huminto siya nang tumunog ang cellphone niya. Sinilip ko yun ngunit hindi ko rin pinagtuunan ng pansin dahil hindi inaalis ni Zake ang tingin sakin.
Napalunok ako nang makitang nag-iisip si Zake. What is he thinking about? "But if he really knew about us. He wouldn't be really jealous about the thing between us. He wouldn't try to steal you as my girlfriend. If he really knew about us, right?"
Tumango ako ng wala sa sarili.
Hindi niya ako kilala umpisa pa lang. Sigurado ako dun. Pero the thing that makes him lie to me, is not what I'm sure about. Bakit siya magsisinungaling? Bakit niya ako kinilala kung talaga palang simula palang ay alam niya na.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Ficción GeneralChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...