Can't wait
Nanatili kaming nasa posisyon na 'yon. Tinuyo niya ang mga luha ko sa mukha at hinagod ang buhok ko.
I can't believe Gray can be like this!
"You okay?" ulit niya muli nang maramdamang maayos na ang paghinga ko. "You have an asthma?"
Nag iwas ako ng tingin. Hindi niya naman kailangan pang malaman. It was all in the past. But I think it's haunting me. Napapikit ako ng mariin nang maalala na maari ngang bumalik ang sakit ko. I should get a check-up.
Sinapo ni Gray ang mukha ko para ibaling sa gawi niya. Tinitigan niya ko ng may malamlam na mga mata. "Please. Just this time. Be honest. I am dying to know your secrets."
Nilabanan ko ang mga tingin niya."What will you get, then?" Nagtatagis bagang kong sabi. Nagsimula na namang magkarambola ang puso ko. I think I can't handle this overflowing emotions. Pain. Hurt.
Nagulat ako ng tumayo siya at pangkuin ako galing sa sahig. "Ibaba mo ko." Malamig kong sabi.
"You should rest." Pinantayan niya ang pagiging malamig ng boses ko. Dumiretso siya sa tinging kong kwarto niya. Tinanggal niya ang suot suot kong flats. "What do you want? I can ask someone to cook for us." Aniya ng maihiga niya ko sa malambot niyang kama.
Hindi siya marunong magluto kaya iuutos niya? "You don't need to." sabi ko dahil nakakahiya naman 'yon. "I can cook."
Bumangon ako sa pagkakahiga ngunit mabilis namang kumilos si Gray at ibinalik na naman ako sa pagkakahiga. "You don't need to." Ulit niya sa sinabi ko. "Someone's gonna cook for us and it's not you. Even if I wanted to." Mahina niyang sabi na hindi nakaligtas sa pandinig ko.
Napangisi siya nang makitang seryoso akong nakatingin sakaniya. "Hindi ako tumikim ng luto mo nang magluto ka para sa sinasabi mong boyfriend mo." Aniya ng nakatiim ang mga tingin sakin. "I want you to cook for me."
Hindi ko alam pero biglang nag init ang magkabila kong pisngi. I shouldn't feel this way. Tumalikod ako sakaniya at narinig kong humalakhak lang siya.
Hindi ko siya narinig kaya lumingon ako at naabutang nakangisi siya sakin. "You're blushing, woman." aniya sabay halakhak ng nakakainsulto. Napanguso ako sa ginawa niya. Pinagtatawan ba ako ng mokong na 'to?
"I am not! Wag mo kong pagtawanan!" Gigil kong sabi. Hindi siya tumigil nang makitang mas naggagaliiti ako sa inis sakaniya. Tumawa siya ng tumawa.
Bumangon ako at sinapo ang bandang dibdib ko kung saan nakatapat ang puso ko. Huminga ako ng malalim. Napayuko ako at huminga muli. Narinig kong humina ang pagtawa niya. Hanggang sa nawala na 'yon. Napansin kong papalapit siya dahil narinig ko ang yabag niya.
Ngumisi ako ng palihim. Humanda ka sakin ngayon!
"Shit! Zeph, are you okay?" Dumalo kaagad siya sakin at inangat ang mukha ko. Naabutan niyang nakangisi ako kaya kaagad napaawang ang labi niya.
"Got ya! Hahahahaha!" Tumawa ako ng malakas at nakakainsulto para mainis din siya. Nanatili lang siyang nakatingin sakin.
It's my time to laugh! Tumawa lang ako ng tumawa. Kumunot ang noo niya at tumayo. Napansin ko 'yon at tumigil sa pagtawa. Nanatili lang nakadikit sa mukha ko ang ngisi. Truth. Revenge is best serve cold.
Tinalikuran niya ko kaya agad ang pagkunot ng noo ko. What's with him? Ah! Pikon. Humalakhak lang ako sa itsura niya. It's epic!
Tumayo na ko sa pagkakahiga at sinuot ang flats ko. Sinundan ko siya at naabutang nasa sala niya siya. Anong tinatampo nito?
"Hoy!" Tawag ko sakaniya. Nilayo pa ang tingin niya sakin at tinodo ang volume ng TV niya. Nagulat ako sa akto nito. Tss. Parang bata. "Gray!" Sigaw ko pero dahil sa volume nito ay parang di niya ko naririnig.
Napanguso ako. Naglakad ako papuntang kusina niya. Nakita ko pang lumingon siya sakin gamit ang salaming nadaanan ko.
Binuksan ko ang refrigerator niya. Ano kayang gusto n'on? Pang-peace offering lang. Hindi humina ang lakas ng TV dahil rinig na rinig ko pa ito mula dito.
Umabot ako ng manok, patatas, bawang at sibuyas. Gagawa na lang ako ng pinakamadaling lutuin. Adobo! Binuksan ko mga cabinet at naghahanap ako ng pineapple. Nakita ko ito sa pinakadulo. Sama-sama lahat ng de lata. Gosh. Kumpletong kumpleto talaga!
Pumunta ko sa sink at umabot ng kutsilyo. Luminga ako para maghabap ng apron. Nakita kong mayroon nakasabit malapit sa oven. Sinuot ko ito.
Nanguha ako ng pot para mapakuluan ko na ang manok. Mas masarap kasi kung ganun. Kaysa sa pagsasamahin ang lahat saka papakuluan. Hiniwa ko na ang lahat at nagsimula ng pirituhin ang patatas.
Nang matapos ko na pirituhin ang lahat saka nagsimula na kong maggisa. Pinatay ko ang kalan ng manok at nilagay ito sa ginigisa ko. Nang maiayos ko na ay naglagay na ko ng toyo. Nagsaing na din ako para naman kumpleto na ang lahat.
Naluto na ang adobo kaya nilagay ko na ang pineapple chunks na nabuksan ko. Kumuha ako ng malaking bowl para sa niluto ko.
Nagitla ako ng may humalik sa batok ko. "Shit!" Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang bowl. Buti hindi babasagin.
Nanlilisik kong tinignan ang mapangahas na gumawa nun. "Ano ba, Gray!" Tinulak ko siya saka nilapitan ang bowl.
Humalakhak lang siya. "Ang tagal mo kasi. Kanina pa kita pinapanuod. I can't wait to taste you. I mean the food you cook." Tumatawa lang na sabi niya na ikinahinto ko dahil bigla ang paglukod ng kaba sa puso ko.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Ficción GeneralChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...