Kabanata XIX

4.5K 54 4
                                    



Dahilan

 

 

 

 

Naiwan kaming dalawa. Hindi ako nagsasalita habang siya naman ay nakatitig lamang sakin. Ano bang meron? Bawal ba ako magdala ng pagkain, kaya mukhang galit siya? Pwes, kung ayaw niya yung iba na lang, na team mates niya. Tumikhim ako at lumingon sa kaniya. Tama nga at nakatitig siya sakin, na para bang napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya.

 

"Ahm...May problema ba ang pagpunta ko dito? If that so, aalis na ko. I just want to bring Zake's food, that's why I'm here." Inis kong sabi. Naiinis ako dahil mukhang wala siyang balak tanggalin ang tingin sakin. Hindi na nahiya na makitang ganun ang tingin niya sakin.

"Wala kong sinasabing ganiyan." Simpleng sagot niya. Mas lalo kong nainis dahil parang ako pa ang sinisi niya dahil ganun ang iniisip ko.

 Nangunot ang noo ko. "Bawal ba ang mga ganun dito? I just want you to answer my question, is that hard?" irita kong sabi.

 

"Hindi." Simple na naman niyang sabi.

 

"Alam mo, kung ang iniisip mo ay yung kahapon. Well, I totally forgot it. Hindi ko na nga maalala kung anong pinag-usapan niyo dahil mukhang wala naman akong kinalaman dun." Sabi ko. Yun lang naman ang naisip kong isa pang pwedeng ikagalit niya.

Pero halatang nabigla siya sa sinabi ko dahil sa pag-awang ng bibig niya. Bakit sa tingin niya iniisip ko pa rin yun? Pwes, tama siya. Nagsinungaling lang ako. Naguluhan ako sa mga sinabi ni Starly. Ayaw ko namang ibaba ang sarili ko dahil sa kaniya. Wala akong pakialam sakanila.

Umiling siya. "Nagkakamali ka." Isa pang nakakainis sa kaniya? Ang pagsagot niya ng tipid. Bakit ba ang ikli niya magsalita? At ano? San ako nagkakamali?

 

 

 

"What? Nagkakamali ako na dahil sa nakita ko kahapon o nagkakamali ako na wala naman talaga kong kinalaman dun?" tanong ko. Sana naman sagutin niya ng maayos yun dahil panigurado baka mawala na ang pagpipigil ko.

To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon