Nakain ang dila
Lumabas na ako nang marinig ko "Class dismissed." nang Prof. namin. Ayoko ng marinig ang mga payabangan at mga kaplastikan ng mga kaklase ko. Saka di ko kasi maipaliwanag ang nararamdaman ko. Naiinis ako dahil sa napahiya ako kanina, naiinis ako dahil mukhang sinadya ng lalaking 'yon na sipain sa gawi ko ang bola upang magulat ako at matakot.
Nang mapansin kasi niyang nakatingin ako sakanya, ngumisi lamang siya at tumalikod habang nakalagay ang isang kamay sa kaniyang bulsa at ang isa ay hawak ang bolang akala ko ay tatama sa akin. Hindi ko naman siya kilala para batiin ako ng katulad ng ganun. Kung matatawag nga iyon na pagbati. Pero, nakakapagtaka dahil ngayon ko lang siya nakita dito, at nakakapagtaka pa dahil mukhang isa pa siya sa mga soccer team ng school at hindi ko siya nakikita dati dun.
Hindi na ko dumaan sa library dahil hapon na. Uuwi na lang ako dahil tulungan ko na lang magluto si Yaya. Para kapag dumating siya, maipatikim ko naman sa kanya. Gusto kong maalala niya ang lahat dahil sa mga luto kong tinuro niya.
Umuwi ako nang nakangiti. Hindi dahil sa masaya ako, kundi dahil sa ayaw kong nakikita nila kong malungkot. Malulungkot lang din si Yaya at si-
"Hey baby!" nagulat ako ng biglang may umakbay sakin ng papasok pa lamang ako sa gate. Nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ito. Kinuha ko ang skate board ko.
"Aray! Bakit ba?" napahawak siya sa batok niyang sinapak ko. Nainis ako bigla sa kanya. Inirapan ko na lang siya at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa loob ng bahay habang hawak-hawak ko ang aking skateboard.
"Hey! Wait! BABY!" hinabol niya ko hanggang sala dahil dito ko huminto para manuod. I crossed my arms in front of my chest and lean on the couch. Nakatayo lang siya sa harapan ko habang hinihingal. Pssh! Parang ang layo naman ng tinakbo niya.
"Care to explain?" tinaasan ko siya ng kilay habang naghihintay ng ipapaliwanag niya.
"Ahm I-I j-just want to relax and enjoy. Right! Ha-ha-ha" nakataas pa rin ang kilay ko dahil hindi naman ako naniniwala sakanya.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Genel KurguChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...