Kabanata XXVI

4.3K 76 5
                                    

 

Huling sinabi

 

 

"Siya si Gray diba? The Captain? OMG!" tili ng kasama niyang babae.

Umirap yung nasa harap ko at pasimpleng hinawi ang buhok niya. "Gray Locke Montenora, right? So, you two are related to each other?" Halatang nilambingan ng babaeng to ang boses niya dahil di naman kanina ganito ito ng kausap niya ko.

Walang namamagitan samin kaya sumingit ako. "Di ko siya--"

"Shut it!" Nabigla ako sa talas ng pananalita ng babaeng ito. Oo sanay ako pero masakit pa ring mapahiya. Umirap siya sakin at ngumiti ng matamis kay Gray.

Kumunot ang noo ni Gray sa narinig niya.  Kumuyom ang panga niya kaya halatang naiinis siya. Nanlaki naman ang mata ng babaeng nasa harapan namin. "Sa tingin ko. Wala kayong karapatan para malaman pa yun."

Kabadong natawa ang babae. "You're joking right? Ito? Karelasyon mo?" Nanunuyang sambit ng babae sabay turo sakin.

"Saka pano si Starly? I heard you two---" Hindi na natapos ng babae ang sabi niya dahil nagulat siya. Maski ako ay nagulat.

Naramdaman ko na lang may brasong pumapalipot sa bewang ko. Gusto kong lumingon pero di ko magawa dahil sa naestatwa ako sa ginawa niya. Napalingon din ang mga babaeng nasa harapan namin sa mga brasong nakapalipot sakin.

"I think you should go." Sa isang simpleng salita niya lang ay tumalikod na ang mga babaeng iyon. Pero mawawala ba ang mga matatalas na tingin nila?

"Bitawan mo ko." Madiing sabi ko. Hindi manlang siya natinag at nanatili lang sa bewang ko ang mga braso niya. Nag uumpisa na namang uminit ang ulo ko. Lagi na lang at tuwing nasa paligid ko siya.

"Ito lang ang pagkakataon ko." Nakangising sambit niya. Mas lalong nakakadagdag ng init ng ulo ko ang ngisi niya.  Inis na hinawi ko ang braso niya. Humalakhak lang ang loko at ngumisi pa.

"Pagkakataon? Pagkakataon na mainis mo ko? Tigilan mo nga ko Gray!" kumunot ang noo ko at sumimangot sa harap niya.

Napamaang siya at napanganga. Teka. Anong sinabi ko? "A-anong sabi mo?" Nabibiglang sabi niya. Nagtataka ko sa mga kilos niya.

"Ha? Yung ano?"  Ano bang sinasabi nitong mokong na to?

"Yung huli mong sinabi."  Huli kong sinabi?

"Tigilan mo ko." simple kong sabi. Anong mahalaga sa sinabi ko?

"Hindi." Tss. Bakit di niya na lang sabihin kung ano. Para di na kami parehas mahirapan.

"Yung huli." naghihintay na sabi niya.

Inisip ko ang huli kong sinabi at tanging pagtitig lang ginawa niya. Yung lang naman ang naalala kong sinabi ko. Ang tumigil na siya dahil napipikon na din ako. Kumunot na ang noo niya sa paghihintay

Tumalikod na siya dahil siguro sa pagkainip. Nag isip ako at may parang nakabara sa lalamunan ko ang salitang sasabihin ko. Din ko alam kun bakit yun pero... Di man sigurado pero binanggit ko.

Tumikhim muna ako bago magsalita ng lumabas ang bara sa lalamunan ko.

"Gray." simpleng sambit ko.

 

Napahinto siya kaya malamang nga ay tama ako.



________________________

To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon