[Warning: WAG NIYO AKONG GI-GIYERAHIN 'PAGNABASA NIYO TO!]
Mas maganda
Nagmulat ako ng mata at agad iyong napadako sa bedside table ko. Nanlaki iyon ng makitang 7:47 na! Alas-otso ang klase ko! Napatayo ako agad at tumakbo sa bathroom.
Hindi ko alam kung anong ligo ang ginawa ko. Pero basta naramdaman ko na lang na basa ang buhok ko ay natapos na ko. Ayoko sa lahat ay nahuhuli ako sa klase. Parang ang tamad tamad ko kasi.
Nangigigil ako sa inis kay Zake nang maalala pa ang pinag-usapan namin. Pakiramdam ko ay talagang pinatagal niya ang pag-uusap naming dahil alam nyang gusto ko talaga iyong pag-usapan.
"Still. I don't know kung alam niya. What do you think, Zeph?" Ngisi niya habang nag-iisip ako. Base sa ngisi ni Zake alam kong may nalalaman ito. Kailangan ko lang pigain.
Napatawa ako sa loob-loob ko. "You didn't tell me na ex-girlfriend mo si Sykie." Nakita ko kung paano nawala ang ngisi ni Zake at napalitan ito ng pagka-seryoso at pagkadilim ng mukha.
Did I hit nerve?
"Who told you?" Seryoso talaga siya.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nabigla ako. "Why? Hindi mo ba talaga ipapaalam sakin? You hurt her?"
Nagbaba ng tingin si Zake at bigla na naman ang pag-ring ng cellphone niya. Sino ba 'yon? Kinasela niya iyon at tumingin muli sakin. "I told you. Sino nagsabi sayo? And no. I did not hurt her."
Damn! Kahit kapatid ko siya ay magagalit pa rin ako sakaniya. Alam ko at nakita ko kung paano nasasakta si Sykie. At ang nakakainis pa ay ako ang ginamit niyang dahilan para mag-break sila. Baliw ba siya? Tuloy, napaka kumplikado ng lahat para sakin.
"Are you out of your mind? Why did you use my name, huh Zake? You know, kapatid kita eh. And I'm hurt na sinasaktan mo ang isang babae na parang wala kang kapatid na babae."
Napasalampak ako sa sofa niya. Samantalang tinitigan niya lamang ako na parang nag-iisip. "She was hurt, wasn't she?"
"Was? It's not was, Zake. It is! Present and progressive. Nakakainis ka dahil di mo manlang alam ang bagay na 'yon? Zake! Lalake ka ba talaga?" Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa mga dahilan at mga tanong niyang walang kwenta.
"Don't talk Zeph! Like you know everything! 'Cause you don't! Siya ang unang nanakit! Bakit saki n ang balik?" Natigil ako dahil nagtaas na siya ng boses. Well, kuya ko pa rin siya, kahit magka-edad lamang kami.
Ngunit nanatili sakin ang mga katagang huli niyang sinabi.
Umirap ako sa sinabi niya. I know everything. Ikaw ang nagsisinungaling sakin. Tumalikod na ko sakaniya."Wag mo kong kakausapin hangga't hindi mo pinahahalagahan ang mga babae." Tinignan ko pa siyang muli at naabutang nakatigin din siya sakin.
"'Cause you'll regret it kapag pinalagpas mo pa ang pagkakataon mo, Zake."
Humihingal ako habang narinig ang Prof na nagsasalita. Shit! Papasok pa ba ako? Pinagiisipan ko kung papasok. Nasa harapan na ako ng room naming at kitang kita ko kung paano tumayo at nagpaalam si Starly sa Professor naming.
Sinilip ko si Sykie at nakitang nakakunot ang mga noo niya. Nakita kong tumingin siya sakin at naputol lamang iyon nang marinig kong tumikhim si Starly. Liningon ko siya. At kitang kita ko ang pagtaas ng kilay niya sakin.
"Starly." Banggit ko sa pangalan niya kahit na parang may isang malaking bara sa lalamunan ko bago ko 'yon masabi.
Biglaan ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya. "Zephyrieelle Bliss De Vera Chandler." Kinilabutan ako dahil parang masama ang pagkakabanggit niya sa buo kong pangalan. Hindi ko na natapos ang paghinga ko nang mapansin kong lumalakad siya paalis. "Sumunod ka. Kung gusto mong maliwanagan."
Hindi ko alam pero sumunod ako. Bakit nga ba ako sumunod? Dahil ba hanggang ngayon ay hindi pa rin ako naniniwala kay Gray? Hanggang ngayon ay naghiinala pa rin ako sa mga kinikilos niya? Hindi ko alam! Ipinagkibitbalikat ko 'yon dahil huminto si Starly sa paglalakad.
Nasa locker room kami. Madilim at walang tao. Tahimik.
"I know for sure. Kilala mo si Gray Locke Montenora." Hindi niya nagtatanong na sabi. Mas lalo ang pagkalabog ng puso ko. Na anytime soon lalabas iyon.
Hindi ko kailangan tumango para sumagot at magpatuloy siya dahil tinuloy niya ang sinasabi niya. "Because I request something from him. Ano sa tingin mo, Zeph?"
Nakangisi siya. Ano ba dapat kong ipakitang emosyon? Malungkot? Magmumukha akong kawawa 'non. Sawang sawa na ko sa ganitong eksena. "To know me. Tama ba?"
Nawala ang ngisi niya at napalitan iyon ng pagkaseryoso. "He tell you, didn't he?" Gigil niyang sabi. Para akong nawalan ng boses dahil sa narinig ko. Tama ako. Inutusan siya para kilalanin ako. Bakit? Ano makukuha niya?
"Hindi. I just know. Why, then? Enlighten me, Starly." Hindi ko pinapakitang mahina ako kahit na sa loob loob ko ay parang isa isang nawawarak sa piraso ang puso ko.
"Wag mo kong utusan." Irap nya. Ngunit di ko 'yon pinansin dahil hinihintay ko ang kasunod ng sinasabi niya. "Inutusan ko siya para kilalanin ka. You're right. Why? Kasi all this time, I thought you're the girl na gusto ni Zake. But si Sykie pala." Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi niya. "Di sana pala si Sykie na lang ang inutos ko kay Gray." Ngisi niya nang makita ang itsura ko.
Hindi ko na alam kung ano ang nakikita niya sa mukha ko. Pero alam kong hindi 'yon maganda. "Masakit ba, Zeph? No. Hindi pa jan nayayari. You're not curious kung bakit biglaan naman ang pagpayag ni Gray? You see, hindi naman ganun kauto-uto ang pinsan ko para pumayag agad diba? Base sa pagkakilala mo sakaniya. Matigas ang ulo 'non. Pero bakit nga kaya no, Zeph?"
Lumandas ang isang takas na luha sa mata ko. Shit! Zeph! Wag kang mahina! Tinuruan ka na nila Sykie, Noreen at Kristen diba? Wag kang iiyak! Pero ang sakit sakit palang malaman kahit may hinala ka na!
"To be the captain of the soccer team." Kung mas may pagkabasag ng puso ko ay di ko na alam ang itsura 'non. Hindi ako makahinga dahil sa pagpipigil ng emosyon ko. Ayoko na! Parang gusto ko na lang ibuhos lahat pero dahil nasa harap ko si Starly ay di ko magawa!
Maging captain lang? Ganun lang ba 'yon, Gray? Ang sakit!
"Kapag naging kami ni Zake. Pwede ko namna hilingin sakaniya 'yon." Nagtuloy tuloy sa paglanda ang luha ko at di ko na kaya 'yong pigilan. Hindi hindi ako hihikbi sa harapan niya!
"Pero dahil di ko naman makukuha si Zake sayo. Dahil kapatid ka niya. Mas maganda ng makitang masira ang relationship mo with Gray. Well then, kung di ka naniniwala. Okay lag naman ding tnungin mo na lang si Gray. Sayonara."
Ngumisi pa siya ng paghuli at iniwan akong tulalala. Samantalang napa-upo na lamang ako sa sahig habang sapo-sapo ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Ficción GeneralChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...