Nakatingin
Pumasok ako ng maaga para pumunta ng Library. Dumiretso kaagad ako sa section ng Romance at inisa-isa ko ang mga libro para makasigurado na di ko malalagpasan ang hinahanap ko.
"Aha!" hinugot ko kaagad ang libro pagkatapos ko makita. Binuksan ko sa pahina na kung saan ako huminto.
"Ha? Asan na?" binuklat-buklat ko pa ito ngunit wala talaga. Tinaktak ko na pero wala paring nahuhulog na parisukat na bagay. Napabuntong-hininga na lang ako. May nakakuha kaya? Isa kaya sa mga scholar na yun?
Pumunta ulit ako sa Librarian para magtanong kung sino ang mga nag-aayos na mga scholars dito. Baka sakaling kapag sila ang kinausap ko ng personal ay maibigay nila sakin, kung nakita man nila.
"Ahm...Excuse m-me Ma'am." Nag-angat siya sakin ng tingin. Inayos niya ang salamin at mataman akong tinitigan. Napalunok naman ako sa tingin niya.
"P-pwede ko po b-bang tignan yung listahan ng mga scholars na naka-assign dito k-kahapon?" umirap lang ito sa kawalan at binuksan ang mga drawer sa tabi niya. Halata naman iritado siya dahil iniistorbo ko siya.
"May limang scholars na pumunta dito kahapon. Hindi ko alam kung anong kailangan mo pero hindi naman ito gaanong kompidensyal para itago sa mga estudyanteng...ah, katulad mo." Tumingin na siya at binigay sakin ang listahan. Napaubo naman ako, bago abutin ito. Ang sakit naman magsalita nito. Umupo na ako, sa malapit na lamesa dito.
"Bernardo, Louisse Fria D., BA 3-1"
"Caspia, Andrew Dee M., En 3-1"
"Esaga, Mary Ann J. BsMath 4-1"
"Montesol, Grace---"
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Ficção GeralChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...