Kabanata XV

4.8K 79 6
                                    

Wala naman

 

 

 

 

Pumasok ako ng maaga dahil nakareceive ako ng text galing kay Sykie. Hindi ko  pa nakkikita sila Noreen at Kristen mula ng huli naming pagkikita. Sigurado magkakasama ngayon sila dahil sabi ni Sykie sa text niya.

Sender: Sykie

 

Hey, meet tayo with the other girls mamaya. 3:00 o' clock sa PretTEA. I hope you can come.

                       

 

 

Of course, sasama ako sa kanila. I don't have any doubts on them. Sa sarili ko siguro pero hindi na sa kanila. Hahayaan ko na munang magtiwala kahit minsan lang.

           

Reply:

 

Of course. I'm going. See you!

Hindi ko rin maisip kung bakit kami magkikita. I hope wala namang problema dahil sa tingin ko wala naman akong ginawang masama. Sana hindi sila magpa-apekto sa ibang tao katulad nga ng sinasabi nila.

Napabuntong-hininga na lang ako. Pumasok ako sa klase ko at hinintay lang ito matapos. Nang matapos ito, dumiretso na ako sa Locker ko. Iniwan ko muna kasi yung Skate board ko.

 

 

"Wala akong pakialam, okay? Ano ba siya sayo? Bakit ganyan ka makaingat sa kanya?" may narinig akong sigawan. Luminga ako sa paligid. May nagtatalo sa isang gilid. Di ko sila makita dahil medyo malayo yun sa kinatatayuan ko.

"Wala. Hindi ko gusto ang ginagawa mo. Wala kang karapatan na ako ang isangkalan sa plano mo." Dinig ko ang isang lalaking parang nagpipigil na ng inis dahil sa pananalita niya. Haay. Bakit nga ba nakikinig na naman ako? Hobby ko na ata ang pag-i-eavesdrop?

"I know. But I just want to take what is mine, masama ba yun? Ayoko sa kaniya dahil sa pang-aagaw niya." Galit na sabi ng babae. Bakit naman kasi inagawan nung sinasabi ng babae siya? Lalaki lang ba ang pinag-aawayan?

"Simula pa lang hindi na siya sayo, okay? Wala kang karapatan. Kaya wag mo siyang idadamay dito. Lalo na ako, dahil wala akong pakialam sa problema mo." Galit ng bulyaw nung lalaki. Parang pamilyar yung boses niya. Yung medyo malamlam na boses na di mo aakalain na magagalit dahil sa palaging kalmado nitong tono. Pero imposible.

 

"I'm sorry. Please help me. I promise na akong bahala dito. Just please help me." Biglang lambot ng boses ng babae. Tumalikod na ako. Parang may away lang ata ang dalawa. Sasakay na sana ako kaso—

                                                                                                  

 

"Hello Zeph." Napalingon ako. Nakita ko si Starly na papalapit sakin. Nakangisi siya at hindi ko alam kung bakit. Pero kinikilabutan ako. Umiwas ako ng tingin kaya napalingon ako sa likod niya. Si Gray. Bakit? Magkakilala sila? "Kamusta ka na?" Bakit ang bait niya sakin ngayon? Nakita kong pekeng-peke ang ngiti niya pero hindi ang ngisi niyang parang may masamang gagawin.

"Okay n-naman. Sige alis na ako." Ayoko ng magtagal ako ditto dahil parang nanghihina ako. Hindi ko alam kung bakit pero panigurado iisipin ko 'to. "May narinig ka ba?" nanlalaking matang tanong niya. Bakit? Dapat bang wala? May tinatago ba sila?

Umiling ako. Binuksan ko yung locker ko at dali-daling kinuha yung skateboard. "Wala." Ngumisi lang ulit siya at nagkibit-balikat. "Sabagay, malalaman mo rin naman." Tumingin siya kay Gray at ngumisi ulit at nilagpasan ako. Ano yun? Anong meron? Napatingin ako kay Gray at parang wala naman sa kanya. Kalmado ang mukha at walang emosyon. Nababaliw na ba si Starly? Kapag ba masama ang ugali, nawawala ng bait?

Tumalikod na ako at dumiretso sa labas para umalis. Nang pasakay na ako ay biglang may nagsalita sa likod ko. "Anong narinig mo?" tumingin ako sa kaniya. Parang may ewan sa mata niya. "Dapat bang may marinig akong kailangang kalimutan?" tumikhim siya dahil sa pabalang kong sagot. Kumunot ang noo ko dahil sa reaksiyon niya.

Umiwas siya ng tingin kaya naningkit ang mata ko. Ano bang meron? Sabi ni Starly, malalaman ko rin naman yun? Bakit hindi pa ngayon? Bakit kailangan pati ako? Gusto kong itanong yan kaso parang wala ako sa posisyon kaya tumalikod na ako.

"Wala naman." Narinig kong sabi niya bago ako nakalayo para umalis na.

 


To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon