Kabanata XX

4.5K 74 6
                                    







Zake o Gray







Lumapit si Zake ng nakangiti. Basa pa ang kaniyang buhok at halatang kaka-shower lang. Lahat sila nakangiti ng lumabas. Napalingon ako sa likod niya. Nakaalis na si Gray.









"Anong problema?" tanong ni Zake nang \makalapit siya sakin.








Ngumiti lang ako bago nagsalita. "Wala. Come on. Pinadala ko na dito yung pagkain niyo."







Tumingin siya sa mga kasama niya. "Guys, nakaayos ba yung meeting room?" tanong niya. Isa-isa namang umiling ang mga ito.








"Hindi vice. Nakatambak yung mga paper works na iniwan ni Manager kay Captain dun." Sabi nung lalaking nakataas ang buhok.








"Speaking of Captain, asan si Gray?" tanong ni Zake. Nag-iwas ako ng tingin ng tumingin sakin si Luke. Teka? Bakit ako umiiwas?










"Baka naman sumama ang pakiramdam." Ngumisi si Luke habang nakatingin sakin.tumalikod siya para pumunta muli sa Locker Room athindi ko alam kung bakit. Nakita kong lumingon ang lahat sakin. Pati na si Zake.








Kumunot ang noo niya. "Ah...Okay. Sa cafeteria na lang tayo kumain. Zeph." Napatingin naman ako sa kaniya. "Text mo si Manong na dun na dalhin." Tumango naman ako dali-daling kinuha ang cellphone ko.










Tinext ko din sila Sykie na papunta na ako. I hope na nandun na sila para naman di ako mailang na ako lang ang babaeng kasama. Hinigit ako ni Zake kaya napatingin ako sa kaniya. Nakita kong nahuhuli kami sa mga kasamahan niya.









Kumunot ang noo ko at nagsalita."Bakit?"








"Wala. Nagtataka lang ako kung ano ang meron sa inyo ni Gray. Bakit parang may gustong sabihin si Luke? Did you two have any kind of...relationship?" tanong niya. Napahinto naman ako.










"What??! Are you serious??! Ni hindi ko nga siya kilala ng buo at mas lalong hindi ko siya gusto." Naiirita ako sa tingin niya. Na para bang may mali akong ginawa.










"Teka! I'm just asking. Why are you shouting?" kumalma ako dahil sa sinabi niya. Nakakainis kasi dahil sa tono ng pananalita niya.










"Stop asking! Dahil walang dapat tanungin." Nanguna na ako sa kaniya. Galit parin ako sa mga ginawa niya.









Hinigit niya ako bago pa man ako makalayo. "Wait! Okay, I'm sorry. Why are you so defensive?" sinamaan ko siya ng tingin. "Okay. Stop asking." Sukong sabi niya.










Nakarating kami sa Cafeteria. At parang namang may artistang dumating dahil sa sabay-sabay na paglingon ng mga tao.







"Shit Pare! Ang gwapo ko talaga! Buong Cafeteria napalingon sa gwapo kong mukha." Pagyayabang naman ng nasa harapan namin. Jerk -_-








"Aray!" sigaw niya ng binatukan siya ni Luke. Nandito na pala siya? Hindi ko napansin.








"Gago! Tumahimik ka nga!" sabi niya. Luminga ang iba pa nilang kasamahan para sa paghahanap ng mauupuan. Ang dami nga naman nila para magsasama sa isang table.









Nang makaalis sila dahil nakahanap na sila ng mauupuan. Awtomatikong napadako ang mata ng lahat sakin. Mga matutulis na tingin na parang mamatay na ko kung di pa man ako umalis dito.










Humarap ako kay Zake. "Zake, punta muna ko sa mga kaibigan ko. They are here. Punta ka na lang sa mga kasamahan mo. I don't want us to be critize by these people." Nagbigay ako ng pilit na ngiti. Nakita ko sa likod ni Zake na kumakaway si Kristen.










"Okay. But I want to meet your friends. You didn't told me you have one." Sabi niya. Tama siya. Di ko pa nga nasasabi sa kaniya.








"I think, there will be next time." Ngumiti ako.








Nakita ko si Manong kaya tinawag ko at kinuha ang mga pagkain ng tatlo. Kinuha naman ni Zake ang para sa kanila. Tinulungan naman siya ng iba dahil madami nga naman yun. Dumiretso na ko sa tatlo. Di naging madali ang pagpunta ko dun dahil nga sa mga pagpaprinig ng mga babaeng naglalagpasan ko ang table.








Napabuntong-hinga ako ng makaupo ako. Napatingin naman yun dalawa. Samantalang parang pinagsakluban naman ng langit ang itsura ni Sykie.








"Teka nga! What's the problem with you guys?" maarteng sabi ni Noreen sabay turo samin ni Sykie. "You Sykie. Kanina ayos ka pa naman pero ng dumating ang Soccer Team. Sumama na timpla mo. Are you a bipolar?" patuloy niya. Wait! Did I hear it right? Nung dumating kami? Which is kasama ako.










"Galit ka sakin?" tanong ko. Napatingin naman siya.








Umiling siya. "No. Galit ako sa isa sa mga kasama mo." Sabi niya. Ha? Sino?








"Sin-" di ko natuloy dahil sa pagputol ni Kristen.








"Naku! Don't mind her. Galit yan sa Ex niya." Tumatawang sabi ni Kristen na umani naman ng masamang tingin galing kay Sykie.








Nanlaki ang mga mata ko. Nahulaan naman nila ng isip ko kaya sinabi nila. Pero mas lalong nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Noreen. "Her good-for-nothing ex-boyfriend, Zake. Which is, your boyfriend." Napaawang ang bibig ko dahil di agad pumasok sakin ang mga sinabi nila.










"W-what? E-Ex mo si Zake?" nabubulol na sabi ko. Paano? Bakit di sinabi sakin Zake? Ah! Naalala ko na kung bakit pamilyar sakin si Sykie. siya yung nasa wallet ni Zake na picture. Akala ko kaibigan niya dahil sa mukhang bata si Sykie dun. Ang layo sa itsura niya ngayon.










"Yeah. Ikaw pala yung sinasabi niyang iba." May galit na sabi ni Sykie. napalunok ako dahil mukhang itatakwil niya ko bilang kaibigan. Teka! Paano ko sasabihin na magkapatid kami Zake? At ang masama pa, KAMBAL!!








"Wait! Di niyo naiintindihan!!" paliwanag ko. Nanlilisik ang mata ni Sykieng tumingin sakin.








"Anong di ko naiintindihan??!"sigaw niya. "Ang iwan ako at sabihin may iba siya, na nun pala yung bago lang pala naming kaibigan ang bago niya. Anong di ko naiintindihan Zeph?" napalingon na yung iba samin. Pasalamat na lang talaga ako nq malayo kami kanila Zake kundi sigurado akong lalapit yun.








"Hindi. Nagkakamali ka. Hindi kami-"











"Sige! Masinungaling ka. Kalat na sa buong school na kayo. And now, you're bringing him lunch? Bakit pati si Gray, Zeph ha? Hah! Dalawa pa talaga. So, Zeph sino sa dalawa? Si Zake o Gray--What the fuck, Zeph??!" nagulat din ako sa mga sinabi niya pero di ko siya kayang saktan dahil lang sa sinabi niya. Niyakap ko siya. I know nasasaktan lang siya ngayon kaya nasasabi niya yan.









"Let me go. You-" pinutol ko siya bago pa mang may masasakit na salitang di kayang tanggapin ang manggaling sa bibig niya.










"Calm down, Sykie. Kapatid ko si Zake." Bulong ko sa kaniya.









Napahinto naman siya. Alam kong dito siya kakalma. Kaya wala na kong pakialam kung malaman ng lahat. Pero di ko isaalang-alang ang pagkakaibigan namin.



















To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon