Wag awayin
"Bitawan mo ako." malamig na sabi ko. Ano bang gusto niyang palabasin? Pati ba ako pagtri-tripan niya?
"Okay." Napangisi siya at nagkibit-balikat dahil sa sinabi ko. Nagtataka man, pero tumalikod na ako dahil wala namang patutunguhan ang pakikipag-usap sa mayabang na 'to.
"Hinahanap mo siya diba? Tss. Nasa kwarto niya." Hindi ko man tanungin kung sino, pero alam ko namang si Zake ang tinutukoy niya. Napahinto ako at humarap sa kaniya.
Napairap na lang ako. "Alam ko." iritang sagot ko. Parang hindi ko naman alam, eh bahay namin to. Malamang namang nasa kwarto lang ung unggoy kong kapatid na un.
"Pati ba yun dapat alam mo?" tanong niyang nakunot noo. Napataas naman ang kilay ko. Bakit bawal?
Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. "Tama. Bakit nga ba hindi ko naisip?"
"Ano bang sinasabi mo?" nakangisi pa rin siya pero hindi umaabot ito sa mata niya. Natatakot ako sa tingin niya. Ayoko, dahil parang napakalaki ng kasalanan ko at naghihintay lang siya ng pagkakataong mapagsabihan ako. At hindi ito ang panahong iyon.
"Tss. Girlfriend." Sarkastiko niyang sabi. Napairap pa nga ata siya. Oo nga pala. Alam nga pala ng mokong na to na girlfriend ako ni Zake. Hindi ko naman pwedeng sabihin sakaniya na magkapatid kami dahil masyado ng madaming may alam.
"Sige. Dyan ka na." nagtuloy na ako sa paglalakad. Hindi ko namang narinig ang pagsunod niya kaya pinagkibit balikat ko na lang yun.
"Zake." Dumiretso ako sa kwarto niya at pinihit ko ang door knob. At naka-lock! Bakit naka-lock? Hindi yun nagla-lock ng kwarto niya. Namuo ang kaba sa puso ko. Kinatok ko ng sunod sunod yung pintuan niya.
"Zake! Zake! Buksan mo to! Zake!" kinalabog ko pero wala talagang sumasagot. Nandito ba talaga si Zake. Hindi niya ako pinaghihintay ng ganito. Napalingon ako sagilid ko ng marinig ko ang mga yapak.
"Nandito ba talaga siya? O pinagloloko mo lang ako?!!" masamang masama ang tingin ko sa kaniya.
Nagkibit balikat lang siya at lalo akong nainis.Hinarap ko na siya. "Ano ba talagang gusto mo? Bakit sa tuwing nasa isang lugar ako, nandun ka? Wala ka bang bahay at andito ka?" inis na inis na sabi ko Punong puno na ako sa kaniya.
Nangunot ang noo niya at irita ding sinabayan ako. "Dapat ba wala ako dito? Ha? Bakit?!!" napakislot ako sa sigaw niya pero hindi ako nagpatinag.
"OO! Dapat wala ka dito!! Dapat wala sa lugar na kung nasaan ako--" napahinto ng bigla niya kong hilahin at isandal sa gilid ng pintuan.
Ang lapit niya. Ang lapit lapit niya. Iba ang pakiramdam ko. At ayoko nun. Natatakot ako dahil sa nakikita kong galit sa mata niya. ''Anong sabi mo?" mahina peo may diing sabi niya. Humigpit din ang hawak niya sa braso ko.
Napakislot at napalunok ako. Dapat lumaban ako. Hindi ko dapat tibagin yung binuo ko. "Ayoko sa lugar kung nasan ka. Dapat---" nanlaki ang mata ko ng ilapit niya ang bibig niya sakin. Pero huminto siya. Muntik na. Muntik na talaga.
Pumikit siya na parang hirap na hirap. "Wag. Tama na." binitawan niya ako at saktong lumabas si Zake sa kwarto. Basa ang buhok. Nag-shower pala ang bwisit.
Napahinto siya ng makita kaming may maliit na distansya sa pagitan kaya bahagya kong tinulak si Gray at lumapit kay Zake.
Pabalik balik ang tingin ni Zake saming dalawa. "Narinig kong may nagsisigawan dito. Mag-kaaway ba kayong dalawa? Pre, wag mo namang awayin si Zeph." Sabay kabig sakin papalapit sakaniya. Tss. Kinurot ko si Zake. Kaya iba ang iniisip nitong isang 'to eh.
Tumingin lang sakin si Zake at ngumisi. Napairap ako at lumingon kay Gray. Nakatingin siya sa brasong nakapalipot sakin. Ano bang problema niya? Kung iniisip niya na kami, dapat wala siyang problema dun.
"...at ikaw Zeph, wag mo namang awayin ang Captain namin. Kaya pala pinahihirapan ako eh."
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Художественная прозаChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...