Laxamana
Nagtama ang aming mga mata. Nakita ko kung gaano siya ka seryoso sa kaniyang titig.
Is this true, Gray? To be with me? Really?
"Papayag ka ba? Would you open your heart for me, Zeph? Because for me. You already entered mine."Aniya na habang tinuturo ang tapat ng kaniyang puso. Sinundan ko lamang ng tingin ito. "At hindi lang simpleng pagpasok ang ginawa mo. Nag iwan ka pa ng marka. Marka na hinding hindi ako kailanman makakawala. Kasi ikaw lang ang makakabura nun."
Idiniin niya ako sa katawan niya. Nanghina agad ako sa haplos niya. Ngumuso ako.
Napabaling ang ulo ko kung saan dahil sa hiya. Kinagat ko ang labi ko at nilagay ang ilang hibla ng buhok na nagiging sagabal sa harapan ng mukha ko sa aking tainga bago nagsalita.
"Gagawin mo yun para sakin?" May parang asido akong natikman bago lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. "Anong makukuha mo? I'm not some sort of a trophy woman for you. I'm nerd. Geek. It's just me. What will you get, huh? Gray?"
Tumaas ang kilay niya sa akin. Mabilis na kumalabog ang puso ko sa kaba. Napakurap kurap ako. Kinagat niya ang labi niya at inilapit ang mukha niya sakin. "Hmm, sarap mo palang mainsecure? Pano pa kaya kapag naglambing na?" Nagsimula akong kilabutan dahil sa naramdaman ko siya baba ng tainga ko. "Baka di na kita mabitawan. Dito ka na panigurado titira." Dinagdagan niya pa ito ng paghalakhak.
Nag-init ang magkabilang pisngi ko sa sinabi niya. Inisip ko pa lang ang nangyari kanina samin ay alam kong lalayo pa yun kung maglalapit kami. Itinulak ko siya ng bahagya. "Tumigil ka nga, Gray!"
Sumeryoso na naman ang kaniyang mukha. Minsan naiisip kong bipolar talaga 'to! "I'm serious about this, woman. Sagot lang ang kailangan ko. Hindi mo kailangan mainsecure dahil hindi kita nakilalang ganun. Hindi yan ang nagustuhan ko sayo."
"Well then, hindi mo pa ko kilala." Mahina kong sabi sabay yuko. Pinagwalang bahala ko ang sinabi niyang huli dahil nagsimula ng mabaliw ang sistema ko.
Totoo naman ang sinabi ko. Nabuo ang pagkakainsecure ko sa lahat, nang mawala rin sa akin ang lahat. Hindi manyayari ito kung hindi rin naman sa kagagawan ko. Kasalanan ko rin naman ang lahat.
Bumaba na ako ng tuluyan nang makakita ng opportunity. Bigla kasi ang pagkatulala ni Gray na para bang nakakita ng multo sa katauhan ko. Now that you realized!
Nagmadali ako sa pag ayos ng gagamitin namin sa pagkain. Hindi na kami makakain kung lagi niya akong kokornerin. Hindi na rin ako makakauwi!
Humalukipkip ako sa upuan ko at hinintay siyang umupo sa katapat ko. Nagitla ako nang tumabi siya sa katabi kong upuan. Iniwasan ko siya ng tingin.
Tumindig ang balahibo ko nang maramdaman ko siya sa aking gilid at humilig pang talaga. Naamoy ko agad ang bango niya. Hindi ko alam kung anong gamit niyang perfume o kung meron man pero siya yung masasabi mong effortless ang bango. Hindi masakit sa ilong. Lalaking lalaki.
Bahagya akong umiwas. Kahit ang pagdampi ng aming balikat ay iniwasan ko. Ni hindi na ako makatingin sa kanya sa sobrang kaba ko.
Nagsalin lang ako ng tubig na bahagya pang tumapon dahil sa panginginig ng kamay ko. Earth to Zeph! Kulang na lang ay kurutin ko ang sarili ko para magising sa katotohanan hindi naman mangyayari ang mga ganitong bagay.
Umabot siya ng kanin at nilagyan niya ang plato ko. Namilog kaagad ang mata ko sa gulat. "A-Ano-- Tama na. Ako na. Kaya ko na." Nanginginig kong agaw ng serving spoon sakaniya. Tss. Di ko naimagine na ganito kahirap makatabi siya.
Ramdam ko ang titig ni Gray habang kumukuha ako ng sariling pagkain. Sinulyapan ko lang siya. "Kumain k-ka na." aniya ko sabay bawi muli ng tingin.
Kumuha siya ng pagkain niya at sumubo. Nagitla ako ng magsalita siya. "Anak ako sa labas."
Napaubo ako sa gulat dahil sa sumusubo ako'y nagsalita siya. At di lang dahil dun kundi sa laman ng sinabi niya. Lumingon lang ako sakaniya habang napapalunok.
Tinuloy niya ang pagkain niya. "My mother carried me when she's sixteen and my good-for-nothing father left her." Nagpakawala lang si Gray ng mahaba at malalim na hininga. "And marry another man. Mr. Montenora. Well, inako niya naman ako. For the sake of my mother. He gave me his surname. I should be thankful, right?"
Umigting ang panga niya sa sinabing huli. "Binigay ni Mama lahat ng kailangan ko. Mula sa bahay ko. Hanggang mga luho ko. But damn! He would not let her kung hindi lang nagmakaawa ang Mama ko." Mukhang hindi lang ako ang nahihirapan sa tatay.
Tinitigan ko lang si Gray nang tumingala ito at sumandal sa upuan. "Seriously? Sinong kayang makita ang asawa niyang lumuhod sa harapan niya? Then, why did he marry my mother? He didn't love her, did he? I just don't get it."
Gumaralgal ang boses ni Gray. "Tangina. Kahit kailan hindi ako nagpasalamat na nasa akin ang apilyido niya."Dumapo ang kamay ni Gray sa kaniyang mata at nanatili ito dun. "I curse his surname. Why would I love it? If it isn't for my mother, I think I don't have a last name."
Tumawa lang siya ng pagak na parang nakakatuwa ang sinabi niya. May lumandas na luha sa pisngi niya na agad niya namang pinahid. Tinanggal niya ang kamay niya at tumingin sakin. Akala niya siguro ay di ko siya pinapansin kaya nagulat siya dahil nakikinig ako.
Pulang pula ang mata niya. Dumapo ang kamay ko sa pisngi niya ng makitang may lumandas na namang luha dun. "Gray Locke Laxamana. Nice meeting you, Zephyrielle Bliss De Vera Chandler."
Bumalik ang mata ko sa mga mata niya na may pagtatanong at naghinang ang mga ito. "If I would give my surname to you, I would not use mine. Is it okay with you?" Naghurumentado ang puso ko sa sinabi niya. Hindi niya pinansin ang mga mata ko.
Then, wala na kong pakialam kung kilala niya na ako. Wala na kong pakialam kung may masira man sakin ngayon.
Mrs. Gray Locke Montenora would be great. But Mrs. Laxamana would be better.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Ficción GeneralChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...