First time
"Tama na!" hinahagod pa rin ni Kristen ang likod ko. Naiinis ako dahil ayaw tumigil ng mga luha ko. At the same time, natutuwa ako dahil for the first time may kaibigan na ako.
"Ang drama nito." Kahit medyo mataray si Noreen, sabi nga ni Kristen ganyan si Noreen kapag nag-aalala. Di niya lang mapakita, dahil nahihiya siya at di sanay. Tahimik lang si Sykie na nakatingin samin. Pero alam kong natutuwa din siya dahil nakikita ko sa mga mata niya.
"I-Im just h-happy." Pinunasan ko na ang mga luha ko.
"Wag mong sabihin na ngayon ka lang nagkaroon ng kaibigan? Seriously? Wala ka bang social life? Duh!" mataray na sabi ni Noreen. She hits the point! Nahihiya ako pero alam ko namang di naman imposible na wala akong kaibigan. Tumango lang ako. Nanlaki ang mga mata nila. Kahit si Sykie na parang wala lang pakialam ay lumaki din ang mga mata.
"T-totoo?" di makapaniwalang tanong ni Kristen.
"O-oo."
"B-bakit? I-I mean. Bakit wala kang kaibigan?" sabi ni Kristen. Napayuko na lang ako.
"H-Hindi ba halata? Ayaw nila sakin dahil sa i-itsura ko." Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko. "Wala naman akong alam na ginawa sa kanila. Sinusunod ko na nga ang mga sinasabi n-nila."
"Yun ang problema mo." Napatingin ako kay Sykie. "Hinahayaan mo kasi silang apihin ka." Napatingin din ako kay Noreen. "Paano ka naming magiging kaibigan kung api-apihan ka. Ayoko naman maging tagapagtanggol mo 'no? Baby sitter? Tsk! Not my thing!"
"Haay. Ano ba naman kayo?" tumingin si Kristen sa dalawa at bumaling sa akin. "Basta this time, kami ng bahala sayo. Wala naman magagawa yung dalawang 'yan." Ngumiti lang siya sa akin at pinunasan ang luha 'ko. Tumango naman ako at ngumiti din.
"Pwede ko bang kunin ang number mo? If you want na sumabay ng lunch samin?" sabi ni Kristen at kumindat pa. Natawa naman ako.
"Oo naman." Binigay niya sakin ang cellphone niya. Nahinto ako. Paano kung niloloko lang nila ako? Paano kung pinapaniwala lang nila akong mabait sila? Lagi na kong nagaganoon kaya naman ang hirap na ding magtiwala.
"Bakit? Wala ka bang tiwala samin? Samin pa talaga? Tss." Umirap pa siya. Napaisip ako. Kung gusto nila sakin dapat maging mabait sila diba? Baka totoo talaga. Ngumiti ako at nag-type na ng number ko. Sinoli ko kay Kristen at tumunog naman kaagad ang cellphone ko.
"Pinasa ko na sayo mga number ng mga yan---"
"Tss. Mauna na ako. May klase pa ako." Tumayo na si Sykie.
"Yeah. I have to go also. I have to make plan for my mission." She smiled evilly and stand. She kissed Kristen and Sykie kissed her also. Tumingin sila sakin at sabay silang humalik sa magkabila kong pisngi.
"Friends?" nakangiti nilang sabi. Nahawa na din ako sa ngiti nila kaya napatango ako ng may ngiti sa labi.
"Of course." Ngumiti at humalik sa kanilang tatlo. I'm so happy. Really.
I'm so glad I have my new friends. For the first time...when I woke up.
BINABASA MO ANG
To Be With Her [Completed]
Ficción GeneralChandler University Series 1 Highest Rank: # 29 in General Fiction Hindi lahat ng bagay imposible. Hindi lahat ng bagay ay mananatiling nasa isang tabi. Lahat ng mga maaring dumating ay hindi mo alam. Paano kung may pumasok sa buhay mong di mo naman...