Teaser

17.8K 214 6
                                    

HINDI ko maiwasang matulala. Lalo na dahil hindi naman ako napapabilang sa mga kaklase ko na may kaniya-kaniyang buhay. May kaniya-kaniyang kaibigan na pwede nilang kausapin pagdating ng klase.

Biglang nanlaki ang mata ko ng makitang parang papunta dito ang bola. Nagpanic ako kaya napatayo na lang ako bigla.

"What's your problem, Ms.Vera?"napatingin ako sa harapan dahil narinig ko ang apilyido ko at nakita ko ang hindi maipintang mukha ng professor namin. Andito na pala siya.

"If you're not interested on what I'm discussing, you may go out." Napayuko na lamang ako at napaupo. Napahiya na naman ako. Nakita ko ang mga pagpipigil ng tawa ng mga kaklase ko. Nagtuloy na lamang sa pagtuturo ang Prof. namin.

Napatingin ako muli sa labas, naalala ko. Paano ako tatamaan ng bola? Eh may salamin naman na makapal ang nakapagitan sa loob at labas. Ang tanga ko naman! Tss. Pinukpok ko ang ulo ko. Biglang napadako ang mata ko sa isang puno. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo at nakasandal sa punong iyon. Hawak ang soccer ball sa isang kamay.........at nakatingin sa akin.

Nakatingin sa akin?

"WHY are you telling what I'm going to do? Akala ko ba ikaw ang as-"

"Zeph, I want you to meet Gray." Pinutol niya naman ang sasabihin ko, kaya inirapan ko lang siya at tumingin sa pinapakilala niya. Parang nakain at nalunok ko naman ng buo ang dila ko habang nakatingin sa lalaking nakangisi sa harapan ko.

"Natahimik ka? Nakain mo ba ang dila mo?" 

 

"PATHETIC! Wag ka ngang mag-emo dito. You look disgusting." Tumawa pa siya kasama ang mga kaibigan niya. I looked away dahil nahihiya ako.

"Aww.The little girl got embarrassed. It's okay, bagay naman sa mukha mo. Yung nakakahiya mong mukha." I used to this, but damn it hurts a lot. Wrong timing I guess.

"What? You're not going to say something? Loser—"I look at them because they stopped. They stared shockingly at my back. Bago pa man ako tumingin, naramdaman ko na lang may humawak sa bewang ko at tinayo ako.

"Wha-"but he stopped me.

"Wala kayong magawang maganda?" they looked away. What? What's with this man para hindi sila makapag-salita? Or should I say matakot sila?

"Ahmm. I'm--" he stopped me again?

"Alam ko na. Pwede niyo namang saktan ang mga sarili niyo para may magawa kayo." Nanlaki ang mga mata ko. Seriously? Ganyan siya makapagsalita sa mga babae? Paano na 'pag ako? Eh binu-bully nga lang ako dito.

"Ahm. I'm sorry. We just—ahm---" he stopped her. Ang hilig naman niyang mamutol ng mga sasabihin.

"Hindi ko kailangan ng sorry niyo." Tumingin siya sakin, kaya nagulat ako. Napapoker face ng mukha niya. Di ko siya mabasa. Ang layo niya sa nakikitang kong lagi niyang nakangising mukha. Hinila niya ko, dahil sa gulat ko kaya hindi ko na siya napigilan. Paika-ika akong naglalakad. Ang sakit ng tuhod ko tapos hinihila niya pa ko.

"Ahm. M-mister, baka pwedeng bitawan niyo na ko." Napatigil siya, kaya napatigil din ako. Nakatalikod pa rin siya sakin, nakita ko siyang hinilamos ang isang kamay sa mukha niya. Humarap siya at nakita kong nakakunot ang noo niya.

"Anong tawag mo sakin?" frustrated siya dahil sa tinawag ko sakanya? Ano nga bang sinabi ko?

"Mister?" lalong kumunot ang noo niya.

"Hindi ko mamasamain ang pagpapasalamat mo." Gahd! I forgot!

"Ah! S-sorry. And T-than--"

"Kalimutan mo na yun." Yumuko ako dahil sa kahihiyan. I'm so stupid. Niligtas niya na ko pero di pa rin ako nagpasalamat.

"Still, thank yo---"

"Sa susunod lang, lumaban ka naman. Hindi yung naghihintay ka ng may sasagip sayo. Hindi laging may kasama ka na tutulong sayo." And he left me dumbfounded. Again.


 

"Ang buhay ko ay parang libro. Punitin, lukutin, itapon o wag pansinin. Panigurado, may kukuha upang alamin, kung ano ang nakapaloob sa akin."

Zephyrrielle Bliss Vera Chandler

 

 

 
Series 1 of Chandler University. COPYRIGHT. 2014
 

To Be With Her [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon