PROLOGUE

43 5 2
                                    

What is love?

Sabi nila 'love is patient' kasi kahit gaano pa katagal kapag mahal mo, hihintayin mo.

Love offer things unconditionally. It gives you the assurance, the trust and the peace. Love is always patient. The calmness whenever you're with your loved one and the peace they have with them make us want for more, and in order to have it more- we will wait. We will put patience in the waiting process, kasi mahal natin e.

I don't know if I am capable of love. Masyado kasi akong goal driven na tao pero hindi naman ako bitter. There are just times na I will think I am not capable of love or loving someone, kasi hindi ako aware sa kung ano ba dapat ang maramdaman kapag inlove.

Kung mag mamahal man ako, I want to have the kind of person na alam kung paano ako mahalin. Hindi ko kasi alam kung paano, kaya sana sya alam nya.

It sound so cliche to wish for someone to love you. Siguro para sakin cliché yun, pero sa iba its natural. We are humans and we would always want and crave love.

As a person who only listens, watch and never experienced love, hind ko masabi kung nagc-crave din ba ako sa love. Sa mga nakikita ko, masaya sila which I think is wholesome. Masaya naman ako kahit walang ka-ibigan e, bata pa naman ako!

I stopped at my thoughts ng nilapag ni Ari ang teacup nya. "Tulala ka nanaman?" mahina pero may diin nyang sabi.

Ari is my long time friend. She's lovely kahit minsan ay mataray sya. She have a boyfriend, si Azi. Nandito kami ngayon sa isang coffee shop kasi makikipag kita sya sa jowa nya. Ewan ko bakit nya ako sinama, ang sabi nya lilibre nya daw ako, wala naman akong ginagawa kaya sumama nalang ako.

"May iniisip lang," sagot ko. Mukha na syang naiirita, kanina pa kasi kami wala parin ang boyfriend nya.
"Asan na ba si Azi? Aba! Hindi magandang pinaghihintay ang ganda ko ha!" biro ko sa kanya.

"Ewan ko! Naiinis na ako, ang tagal nya!" Naiirita nyang sabi. Azi is a grade 12 student in STEM strand. Kung paano sila nagkakilala ni Ari? Wag nyo nang alamin. Medyo malandi kasi si Ari kahit mataray pero pinipili nya naman ang nilalandi nya.

"Baka busy, chinat mo naba?" Tanong ko sa kanya. Grade 12 student na yung jowa nya kaya malamang busy yun!

"Oo, sabi nya on the way," bored na sya.

Dumating si Azi makalipas ang tatlong minuto, naubos ko na rin ang shake drink na binigay ni Ari kaya naman naghahanda na ako para umalis.

"Hey, sorry I'm late," malambing na saad ni Azi kay Ari. Ang babaetang kanina ay galit na galit ngayon ay tumiklop.

It's crazy how your mood would change in no time just because you saw the love of your life. Siguro gano'on nga talaga ang epekto ng pag-ibig; nakaka adik.

"Alis nako. Maglandian lang kayo, magsisimula na ang bagsakan ng pt's kaya sagarin nyo na, " saad ko sa kanila.

"Hehe, thank you bestfriend ko! Dabest ka talaga, kaya mahal kita sobra eh!" OA na sabi ni Ari.

After I bid my goodbye lumabas na ako sa shop. Alas dyes palang pala ng umaga. Masyado pang maaga para umuwi, mabobore lang din naman ako sa bahay, wala akong kasama.

Kaya imbes na umuwi pumunta ako sa school garden. Our school garden is one of my favorite place, kasi sobrang tahimik at mapayapa. The view are all coated green trees. Para kang naglalakad sa paraiso sa ganda ng mga bulaklak katabi ng mga puno. May mga benches din dito dahil may mga studyanteng tumatambay.

The fresh air entered my nostrils. Langhap na langhap ko ang sariwang hangin, and I can't help but to smile to the tranquility of this place. This is truly one of my favorite place.

Dala ko ang tinatapos kong libro kaya nilapag ko ang gamit ko sa green grass field ng garden. Bukas naman ang school namin kahit walang pasok ngayon. They allow us to enter the school in saturdays kasi baka daw may mga kailangan tapusin na requirements at kailan gamitin ang library. Ang bait ng school namin!

Dumapa ako sa damo at nagsimulang magbasa.

I cannot fix on the hour, or the spot or the look or the words, which laid the foundation. It is too long ago. I was in the middle before I knew what I had begun"

Pride and Prejudice
-Jane Austen

I stopped reading when I heared someone walking towards my direction. Gulat akong napatingin sa tao, dapat kasi walang tao ngayon! Akala ko ako lang mag isa dito!

Walking with his heart captivating face of Adonis. Fair skin, tall as hell with a cold pair of brown eyes.

Nakakahiya!

Dali dali kong kinuha ang dala kong bag at libro at tumayo nang naabutan ko sya na paupo sa isa sa mga benches. Nasa likod ko lang ang benches pero mas pinili kong dumapa sa damuhan, para kasi mas feel ko ang pagbabasa!

Tumingin ako sa kanya, shame is all over my face. Nagtataka din kung bakit may tao dito.

A smirk plastered on his face when he noticed how shameful I am. "Magbasa kalang dyan, hindi naman ako mang gugulo,"  mataman nyang sabi.

" Uh... Aalis nalang ako kung... A-ano gusto mo gamitin ang place," mahina kong sabi pero narinig naman nya kasi napabaling sya sakin. Nakakahiya naman nagstutter pa ako!

"No. I just need air. We can share, can't we?" May halong panunuya ang boses nya. Ewan ko kung inaasar nya ako or kung considerate sya.

"Uh yea," tipid kong sagot. Ayaw ko na pahabain ang storya kasi nahihiya parin ako. Hindi ko alam kung paano ipagpatuloy ang pagbabasa ko kasi naghaharumentado na ang puso ko.

Ang gwapo nya!

My eyes turned to see him. He is closed eyes parang natutulog, I can't help but to admire his looks. Gwapo sya.

Nagulat ako ng bumuka ang mata nya at nahanap ako na nakatitig sa kanya. May distansya kami pero parang ang lapit ng tingin ko na nagmukhang hawk ako sa pag titig.

His eyes has no emotion registered in it. Kahit hiyang hiya ako ay hindi ako makabitaw sa titigan namin. His brown eyes are inviting. It looks like craving for attention, a hopeful eyes.

Nabasag ang titigan namin ng may ingay kaming narinig. The noice was from the group of students na dumaan sa garden. I grabbed the chance and break through our staring competition. Kinuha ko ang libro ko at nilagay sa bag, handa ng umalis.

Aalis na sana ako ng tinanong nya ako. It was a very genuine yet confusing question. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa tanong nya.

"I would like to see you here everyday. Are you here everyday?" cold but genuine, he asked.

UncapableWhere stories live. Discover now