KISS

10 1 0
                                    

Passenger Seat - Stephen Speaks

The constant reminder that I will be leaving my love after a month draw a big scar on my heart.

Ayoko syang iwan. But, it is the best thing I could do.

I can't stay with him for now. Hindi ngayon na alam kong wala akong laban.

Sometimes fighting is not an option. Minsan kailangan mong sumuko para handa kang lumaban ulit.

Hindi ko naman sinusuko si Ryuji, iiwan ko lang muna sya. Babalik ako, kapag alam kong kaya ko ng labanan ang lahat.

Nakakatakot lang. Baka kasi kapag alam kong pwede na, baka bawal na.

Baka kapag kaya ko ng lumaban, sya naman ang sumuko.

But would it be unfair if I ask him to surrender with me? Na sumuko na, kasama ako?

He has a life here. He has Lala. And me? I only have him and Ari. Ari can go on with her life even without me, and so as Ryuji.

Paano ako? Maiiwan na naman. But in this time, ako ang aalis. Pero ako parin ang nakakaramdam na parang ako ang iniwan.

This is bullshit.

ajinomotolovekoto

is your luggage ready, love?
should I help you prepare?
give me a call if I should

I love you.

My phone vibrate with those messages.

I was staring at those thinking about what will happen tomorrow.

Plano namin bukas na simulan ang bakasyon namin at iyong nasa listahan na ginawa ni Aji.

Our talk last time ended with him just hugging me and saying sorry. We then never open the topic again. He was avoiding it, and so as I.

I slept thinking about what tomorrow has for me that night. Silently wishing that the next day will  be bright, happy, and sunshine.

"Yes! I'm coming, wait for me outside," I said on call with Ryuji.

Ang aga nyang tumawag para gisingin ako. Thirty minutes after he called, he called again to inform me that he's on the way to fetching me. So now, hindi ako magkanda ugaga sa paghahanda.

Bumaba na ako dala ang aking maliit na maleta na naglalaman ng mga damit na susuotin  ko sa dalawang araw namin sa beach.

"Ingat ka roon, A, ha. Tawagan mo ako kapag kailangan mo ng kausap o kahit hindi, basta tawagan mo ako," Anang Ate Cena.

Ate Cena was being too careful with me these days, lalo na noong bumalik na ako sa skwela. She was really taking a good care of me. Palagi nya ring sinasabi na tumawag ako kahit hindi ko kailangan.

"I'll be fine, Ate Cena. Wag kana pong mag-aalala," sambit ko sakanya.

"Mas hindi ako mag-aalala kung tatawag ka, kaya tumawag ka, okay?" Pilit nya pa kaya nginitian ko na lang sya.

Lumabas na ako ng gate at kita ko agad si Ryuji na nakadungaw mula sa roon. Wala ang daddy ko kuno dahil as usual para sa trabaho.

"Ang aga mo! Kulang pa ata ako sa tulog, e!" Sambit ko nang buksan ko ang gate. Agad nya namang kinuha ang bagahe ko.

"Good morning, love," he then kissed my cheeks.

Namula naman ang boung pagmumukha ko kaya natampal ko ang dibdib nya.

"Ang landi mo naman, ang aga-aga e," sabi ko nalang dahil kita ko ang malokong ngiti nya.

"Kapag masaya mong sinimulan ang araw, masaya rin yong matatapos. Kaya malandi kong sisimulan para mas malandi bago matapos," he even winked then gestured for me to get inside his car.

UncapableWhere stories live. Discover now