Pag-ibig by Sponge Cola
Puso ay kumakabog sa kaba. Ang tiyan ay kinikiliti ng mga paru-parung kanina pa nagpipiyesta dahil sa lapit nya sa akin ngayon.
Kasabay ng mahinang pag sayaw ng aming mga katawan ay ang pagbitaw nya ng mga katagang labis na nagpakaba sa aking kalooban.
"Will you let me?" The hope is in his voice, lingering.
Hindi ko kaya ang pinaparamdam nya sa akin ngayon. Sa kabila ng malakas na kabog ng aking puso ay ang kapayapaan sa presensya nya. Ang kanyang mga salita ay naging liriko ng isang kantang hinehele ako sa kabila ng ingay ng mga ideyang puno ako ng pangamba.
Pota.
Tumango ako.
Without breaking the intense eye contact, I nodded. Letting go of my worries as I finally slowly and carely opening myself to someone.
Natapos ang kantang sinasabayan namin ng sayaw at tuluyan na akong nanghina sa labis na kalabog at kaba.
Ang mga mata ni Ryuji ay puno ng emosyong ayaw kong banggitin.
Natapos ang gabi na iyon na inihatid nya ako sa bahay. Kahit sa paglalakad ay sobra ang aking kaba, ni hindi ko kayang malapit sa kanya kaya naman boung lakad pauwi ay nasa magkabilang side kami ng daan.
Nakarating na kami sa bahay. "Pasok kana." Anya sa mahinang boses.
Ano ba ito? Kahit paraan ng pagsasaalita nya ay nagbibigay ng dahilan para magwala ang mga paru-paru sa tiyan ko.
"Uh.. Ano.. S-salamat.. sa paghatid." Nautal pa nga ako! Kita ko sa mukha nya ang pagka mangha.
"Palagi na kitang ihahatid." Ngumiti sya sa akin. Sa pinakaunang pagkakataon nakita ko ang ngiti nya, umabot iyon sa kanyang mata. Para syang bata na sobrang saya.
"Uh.. P-pasok na ako" Sabi ko nalang at nagmadaling pumasok sa gate.
Patakbo akong umakyat sa aking kwarto, hindi inalintana na naamoy ko ang bango ng ulam na niluluto ni Ate Cena.
Pumasok ako sa kwarto ko at agad sinirado ang pinto. Tumakbo ako sa aking kama at nilubog ang mukha sa aking mga unan. Sumigaw ako sa aking mga unan para hindi ako marinig. Binubuhos ang emosyon kanina ko pa pinipigilan.
What the hell was that?!
Kinikilig ba ako?
Hiniwakan ko ang dibdib ko kung saan ang puso ay hindi pa tuluyang kumakalma. Shit. I smiled knowing that I probably entered something I don't know I'm capable of handling.
Pagkatapos kong kiligin ay naglinis na ako ng aking sarili. Naligo, kumain sa baba at binasa ang aking mga notes. I was about to close my eyes when my phone vibrated.
Ryuji Dela Cuesta sent you a friend request.
azenjuuu_ started following you.Just when I thought my heart already calmed down, I read the notifications that popped up.
Shutangina.
Tinulog ko ang kaba ng aking puso kahit na pagulong gulong lang ako sa kama ko dahil naghaharumentado parin talaga ito. Kinabukasan tuloy ay para akong aswang dahil sa walang tulog.
My phone vibrated while I'm walking, pupunta na ng school.
Ryuji:
Goodmorning, sunshine!
Papunta ka na ng school?I accepted his friend request later that night. Hindi ata ako nakatulog kakaisip kung ico-confirm ko ba sya. Sa huli ay kinomfirm ko nalang. My brows furrowed by his sudden endearment. Iba talaga atake ng isang to.
YOU ARE READING
Uncapable
RomanceAzlen Ryuji Dela Cuesta and Aurora Celestia Vergara (SAKS SERIES #1) Two people bound to fall in love in the most random time of their lives. The journey of their lovestory in which they learn how capable they are of something they believe they're u...