MUST BE

10 1 0
                                    

If I'll be given a chance to spend a lifetime with someone-I would chose to spend it with him.

My life was all in gray- it's in the middle of black and white. I cannot totally hate the life that I have right now, thanks to specific people who brings me peace and light which allows me to strive this life.

And if I say specific people, kasama si Ryuji roon.

Umupo kami sa damohan na may nakalatag na picnic cloth, paiyak na ako. Suminghot ako kasi pinipigilan ko ang maluha sa effort na ginawa nya. Ganito naman sya lage e, palaging may effort. Nakakahiya tuloy!

Narinig nya ata ang pagsinghot ko kasi mukha syang naalarma. "Hey, are you okay? Is there something wrong?" Kahit kailan talaga, ang gentle nya magsalita!

Hindi ako sumisigaw kasi ayaw ko na sinisigawan ako. Kota na ako sa sigawan tuwing nag-aaway ang Mom at Dad, ayoko na makarinig ng ganon. Ayoko masigawan, and to think that he's talking so gently to me right now, hindi ko mapigilan ang pagtambol ng puso ko.

Tumingin ako sa kanya, nakakagat ang pang ibabang labi. "I'm overwhelmed." Suminghot ako. "Thank you. . for making me feel this. . . way" I didn't know I could show emotions in front of him this easy. Ni hindi nga ako marunong mag-thankyou e!

Ngumiti sya sa akin at dahang-dahang sinakop ng mga palad nya ang mukha ko, ang dalawang palad sa magkabilang pisngi. Gusto ko nalang pumikit!

"You deserve the things that makes you feel happy, Celest. And I would love to do such things for you to be this happy." He, then again, make me feel heaven with his words.

Ngumuso ako " I want to sing. As my 'thank you' " I replied.

Gusto ko syang kantahan. Gusto kong iparamdam kung paano nya ako pinapasaya ngayon. Gusto kong malaman nya sa bawat lirikong lalabas sa bibig ko na; mahal ko sya, at sobra nya akong pinapasaya.

Gusto kong malaman n'ya na sya ang pahinga ko sa nakakapagod na mundong ito.

I got out of his palms and get the guitar beside him.

I strummed the guitar for the pre-chorus of Sigurado by Tj Monterde

Pag-ibig ko

Kita ko ang bahagyang gulat sa mata nya sa unang salita sa liriko ng kanta.

Ikaw ang aking payapa
Ang aking hilom
Dinalanging payapa
Sago't saking tanong
Ikaw'ng kalmado kong hangin
Ilaw sa dilim

Sa bawat lirikong kinakanta ko, sinisigurado kong ramdam nya ang pinapahiwatig ko. Nakatitig lang ako sa mata nya. His eyes, from the shock it quickly change into admiration, love and affection. Those emotions are foreign to me, and I love how he made me feel those.

Sa mundo kong puro pero
Ikaw ang aking sigurado

Dahan dahan at malumanay na pagkanta kasabay ng pagpatak ng mga luhang kanina pa ayaw pakawalan ng mata.

Ang dami kong tanong, ang dami ring hindi malinaw na sagot. Pero, sa kanya, sigurado ako.

Suminghot na ako at hindi ko na maituloy ang pagkanta, nakakahiya tuloy!

Si Ryuji. . . siya ang payapa ko.

Kapag kasama ko sya, pakiramdam ko ligtas ako. Pag sya ang kasama ko, hindi ako nakakaramdam ng takot kasi. . . ligtas ako sa kanya, hindi nya ako sasaktan. Kapag kasama ko sya. . . pakiramdam ko, kaya kong magmahal kasi. . . mahal nya. . . ako.

He cupped my face and let our eyes stare at each other. "I'm at peace when I'm with you" Inilagay nya ang aking noo sa kanyang noo, ang lapit na ng mukha namin! Pumikit ako at nagpatuloy sya. "I. . . want to be with you" Suminghot sya.

UncapableWhere stories live. Discover now