SUNDATE

8 2 0
                                    

It's sunday already! Parang hindi ata ako natulog kasi I am looking forward for this day. I did my morning routine at masiglang bumaba para magbreakfast. Wala sila Mommy kaya malaya akong nagsasaya sa bahay na hindi nagiging awkward.

"Good morning, Ate Cena!" Bati ko kay Ate Cena na nagluluto ngayon sa kusina. It's already 7:30 in the morning.

"Good morning, A! Saglit lang at maluluto na ito, ipaghahanda na kita" Abalang abala si Ate Cena sa kusina kaya nginitian ko sya at sinabing mag ingat sya baka mapaso pa sya.

Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito habang naglalakad para maupo sa high chair. It was a goodmorning message from Ryuji, napangiti naman ako.

Ryuji
good morning pretty

eat your breakfast

I'll be there in 9:30

we'll go to church
nandon si lala

Aurora
good morning panget

okay message me if you're
on the way

Ryuji
ganda mo talaga

Aurora
ulol ka

Ryuji
kaya ako ganito e

Aurora
HA?!?!?

Ryuji

Auroramay sakit ka ba?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Aurora
may sakit ka ba?

Ryuji
oo
mahalkitasyndrome

I didn't reply anymore kasi tinawag na ako ni Ate Cena para kumain.

"Laki ng ngiti mo sa selpon mo a? May boyfriend ka na?" Ito si Ate Cena may pagkachismosa rin!

"Ate Cena, bawal po ang chismiss sige ka magagalit yong dalawang dragon" Napatawa naman sya sa sinabi ko.

I finished my food and immediately went up para maghanda ng isosout. Ang sabi ni Ryuji ay sa church kami pupunta kasi nandon si Lala Aren. Should I wear a dress? Church kasi e.

It's already 9 am kaya sinout ko na ang napili kong damit na soutin. It's a square neck white dress, it's below the knee. Masyado akong matino tingnan!

Ryuji told me that he's on the way kaya naglagay mo na ako ng kaunting make up para hindi ako masyadong maputla. My hair is a bit wavy on the ends and it has a natural color of brown, hanggang dibdib ang haba ng buhok ko. Nilugay ko lang kasi bagay naman sya ilugay sa sout ko.

I stared at my reflection on the mirror and I can't help to smile. I looked pretty. I feel pretty.

May kumatok sa pinto ko kaya napatingin ako roon. "Celest, may naghihintay sayong pogi sa baba!" Ang oa naman ni Ate Cena ngayon.

UncapableWhere stories live. Discover now