I thought nothing could hurt me more than what is currently happening in my life right now. But I was wrong. Because the moment I opened the paper, my world that is already crumbled down was cut into pieces I don't think I could still patch.
Dear Aurora Celestia,
By the time you're reading this, siguradong wala na ako. Siguradong nakita mo na ang bangkay ko. I am sorry, anak. I am sorry that I have to take my life. I have a lot to say to you and its so bad that I'm not able to say those when I'm still alive.
You must hate me, don't you? I understand, Aurora. And I want to apologize. I am sorry for letting you live in fear and thingking that I don't love you. I love you, Anak. I am sorry that I cannot say those words to you. I am deeply in regret.
I know I should have been more good of a mother to you, and I know I should have been the one to console you when you're crying. I'm sorry that I wasn't. I'm sorry that I can't even console and hug you when you're crying.
Anak, hearing you cry breaks my heart into million pieces. Nawawalan ako ng lakas. Hindi ko kinakaya kapag naririnig kitang umiiyak, lalo na kapag ang dahilan ay, ako, at ang tatay mo.
I am sorry that I had to leave without saying I love you. I am sorry that I gave up. I am sorry that I bought this living hell of a life for you. I am sorry that Mommy can't be with you anymore. Mommy was too tired, Anak. Too tired to even hug you while you're silently crying on my side.
Wag mo'kong patawarin, anak. Magalit ka hanggat gusto mo, saka mo na ako patawarin kapag kaya mo na. Dahil miski ako, hindi ko kayang patawarin ang sarili ko.
Maging masaya ka, please. Piliin mong maging masaya.
Mahal kita, Aurora. Sana nasabi ko ito ng mas maaga.
Mahal ka ni Mommy, AC. Mahal na mahal.My love
Mommy
Mahal ako ni Mommy. Iyon ang sabi nya. Halo halo ang nararamdaman ko. Nagagalit ako dahil sana man lang ipinaramdam nya sa akin ang pagmamahal nya. Sana man lang hindi nya ako hinayaang mag-isip na hindi nya ako mahal. I wish she was a good of a mother, too.
Nakakasakit. Ang sakit isipin na iniwan nya nalang ako. Ang sakit na wala na akong kakampi. Ang sakit na wala ng nagmamahal sa 'kin. Ang sakit na wala na akong Mommy.
Nagtatampo ako kay Mommy. Sobrang laking tampo. Kasi paano nya nasabing wag ko syang patawarin gayong kahit na hindi sila humihingi ng tawad ay napatawad ko na sila.
Gusto kong sumigaw. Gusto kong ilabas lahat ng sakit, lungkot at galit na nararamdaman ko. Pagod na pagod na 'ko. Bakit ba ginagawa sa akin ito? Ubos na'ko.
Sa kalagitnaan ng paghagulhul at paghiling na sana may isang tao akong kasama sa pagluluksa kong ito ay tumunog ang telepeno ko.
Nang tingnan ko iyon mas lalo lang akong umiyak. Tumatawag si Ryuji. Hindi ko alam kung paano ko ito sasagutin. Halos tatlong araw na akong hindi nakikipag usap sa kahit na nino, ni wala rin akong nirereplayan dahil hindi ko magawang hawakan ang selpon ko.
Sa nanginginig na kamay inabot ko ang selpon at sinagot ang tawag ng mahal ko.
"Aurora Celestia," bungad nya sa akin sa malamig na boses.
Napansin ko sakanya ang isang bagay. Kapag boung pangalan ang tinatawag niya sa akin ay alam kong inis o galit sya sa akin.
Galit siguro sya kasi hindi ko man lang nagawang magparamdam sa loob ng tatlong araw.
"A-aji," tugon ko sabay pigil ng hikbi.
"Umiiyak ka ba? Bakit? Anong nangyari? Sorry, wag kang umiyak, please. Saan ka? Puntahan kita," ang boses nya ay puno ng pagaalala, hikbi lang ang naitugon ko.
YOU ARE READING
Uncapable
RomanceAzlen Ryuji Dela Cuesta and Aurora Celestia Vergara (SAKS SERIES #1) Two people bound to fall in love in the most random time of their lives. The journey of their lovestory in which they learn how capable they are of something they believe they're u...