KNOWING YOU

16 2 0
                                    

And suddenly all the love songs were about you.

I was so shocked to see Ryuji sitting beside the tall tree in front of my room. Iniwan ko sya kahapon sa garden without saying anything pero I didn't expect to see him here this early.

HUMSS 1 ang section ko. Madaling makilala ang mga HUMSS 1 kasi nga pilot section akala nila matatalino ang lahat ng nasa section na ito. Pero ang totoo, marami kaming mga kalokohan. Competitive naman kami palagi lalo na sa mga debates, aba major namin yun e!

Naglakad ako palapit sa room namin. Nang nadaanan ko si Ryuji hindi nya ata ako napansin kaya bumalik ako sa daanan at dumaan ulit. Tanga ko naman.

Oo! Papansin ako!

Sa pangalawang beses nagulat ako sa mga salitang binitawan nya "Hindi ikaw ang pinunta ko. Mamaya kapa" mahina pero nanunuya ang boses

"Bakit ka nandito?" Taray tarayan ko. Alam kong mapula na ang pagmumukha ko dahil sa sinabi ng gungong naito pero I need to save face. Ginusto kong magpapansin e!

"Checking on something" tipid nyang sagot. Magmumukha akong tanga kong mananatili pa ako rito kaya aalis na ako. Pero natigilan ako sa mga sumunod na sinabi nya sa "Also to check on you." Taga attendance ba sya sa kanila? Hindi naman ako STEM ah!

"Pakihanap" I pause and saw the instant confusion in his eyes "ng pake ko" I smirked. Pero ang nga sumunod na mga pangyayari ay hindi ako tinantanan.

"Type kita" his lips formed into a smirked. Gago ba'to?

After he said those lines tinalikuran nya ako at naglakad sya paalis ng may ngiti sa labi.

Pumasok na ako sa classroom namin at nagsimula na ang klase. Tulala ata ako boung klase kasi nag ooverthink ako sa kung anong ibig sabihin ni Ryuji sa "Type kita" nya.

Nagbreak na at pumunta ako magisa sa caf. My bestfriend Ari is an ABM student pilot section rin. Hindi nagtutugma ang sched namin kasi minsan kapag break namin first period naman nila. Hindi rin ako masyadong close sa mga kaklase ko kaya wala talaga akong nakakasama kumain. I prefer being alone though.

Bumili lang ako ng choclate waffle at apple juice as my snacks. Payapa akong kumakain sa isang lamesa nang may nag lapag ng tray sa lamesa ko.

Napa angat ang tingin ko kay Ryuji na naglalapag ng tray nya na may lamang pagkain. Bakit nanaman to andito? Iniisip kolang to kanina e! "Mukha kang kawawa, mag isa ka kasi" tunog concern sya. Ewan ko talaga kung anong pake ng lalaking ito sa akin.

"What's your deal with me, really?" Seryoso kong tanong. Naalala ko kasi yung babaeng bumangga sa akin noon sa garden kasi hinahabol sya. May gusto yon sa kanya panigurado, hinabol e.

"I find you pretty, Ms. Aurora Celestia Vergara" Paano nya nalaman ang pangalan ko?! Stalker?! Ano? Crush nya ako?! Crap!

Aminado naman akong maganda ako. I have an almond shaped pair of slightly brown eyes. Ang ilong ko ay hindi malaki, hindi rin maliit, sakto lang ang tangos. My lips are cupid's bow shape and is naturally pink. Hindi rin ako matangkad, average height lang. Hindi ako chubby, I'm more of a petite and my skin is not that fair pero may puti ako.

"Alam kong maganda ako" Mayabang kong sabi. I smirked upon seeing a bit shock on his face.
"Hindi ka papasa bilang kaibigan ko kung naawa ka sakin mag isang kumain" dagdag ko

"Sino bang nagsabi na kaibigan ang gusto ko?" Ha! Huli ka! Sabi ko na nga ba ito ang tunay nyang motibo! Kanina kopa iniisip kung anong ibig sabihin nya sa type kita nya eh! Ito talaga yun!

I dropped the words I think would perfectly make him feel shameful. Pero ang inakala kong ikakagulat nya ay kinatuwa nya pa.

"Hindi kita type" pagpipigil ko ng tawa. Pero napatigil rin sa mga sinukli nyang tingin at sagot.

"Hindi mo sure, Celeste" confident nyang sabi. A smirked plastered on his face when he notice the shock on my face. Oo, nagulat ako. Hindi ko kasi talaga sure.

After the conversation Ryuji and I had bumalik na ako sa room para sa susunod na klase.

We never really know someone's intentions until they show it. Time really reveals what we meant for someone and I do believe it. Maybe it needs time for me to know Ryuji. It needs time to know his intentions. It needs time to know.

If it needs time, it also need adjustments. Maybe I could open myself? Kung potential love ito, siguro mahihirapan akong magpakilala sa sarili ko. Hindi naman kasi ako sanay. I never felt love anyways.

Pagkatapos ng klase ay agad akong lumabas at sinalubong ako ni Ari. "Bestfriend! Namiss kita!" Ari hugged me. Kahit kailan talaga OA sya. "May kailangan kang ichika sa akin!" She told me with a stern and demand on her voice. Kinabahan naman ako.

"Huh? Wala naman akong naalalang naglabas ako ng scandal. " biro ko, kinakabahan na talaga. I knew its about Ryuji. STEM ang boyfriend nya kaya baka kumalat na, mukha pa namang madaldal yung kaibigan nya na nakakita sa amin sa garden. Idagdag pa ang mga nakakita sa amin sa caf kanina.

"Pinopormahan kadaw nung taga STEM 1 na pogi?!" paghihisterikal nya. "Hala kung oo, ako ang magiging pinaka masaya para sayo! First jowa mo to kung sakali!" She really is hyterical about this. Oo naman kasi first potential love ko ito.

"Fake news yan" I shortly denied. Totoo naman kasi. Hindi ako pinopormahan ni Ryuji. Well, he is someone I can build a platonic relationshop with.
Hanggang kaibigan lang.

After we share some chikas umuwi na sya dahil lumabas narin ang boyfriend nya. Nagpaiwan ako kasi pupuntahan ko pa si Ryuji sa garden. Kanina kasi sa break he told me he'll be waiting sa garden. Hindi raw sya uuwi kung hindi nya ako makikita. Ako pa tinakot nya! Iwan ko yan sya mag isa e!

Pero hindi ko ginawa, pumunta ako sa garden baring my mind with the thought na trip lang ni Ryuji ang ginagawa nyang ito.

Dumating ako sa garden and I imeddiately saw him. He is writing something on his palm using his purple pen. Kinalabit ko sya at kita ko ang gulat sa mukha.

"Titigan mo na ako nang makauwi na ako" bored kong sabi. Pumunta lang ata ako dito para magpakita sakanya.

" You look beautiful, Celeste" mahina nyang sabi. Hulog na hulog na ata sakin ang isang ito? Haha, wag naman, ayoko makasakit.

His eyes are shining, kahit madilim na ay halata parin ang brown nyang mata. I can't help but to admire it.

"Ano yang sinulat mo?" Kuryoso kong tanong. Inabot ko ang kamay nya pero tinaas nya ito, ayaw ipakita sa akin. Tumalon naman ako para maabot ito pero ang tangkad nya kaya hindi ma abot. "Patingin lang!" Pagpupumilit ko pa.

I granted him my puppy eyes. Ginagamit ko ito kapag gusto kong makuha ang isang bagay. At wala itong payla lalo na ng nakita kong natigilan si Ryuji at nakuha ko ang pagkakataon na maabot ang kamay nya.

Pero ang ngiti sa labi ko ay napalitan ng awang at gulat pagkatapos kong mabasa ang nakasulat sa palad nya.

"Her aura are made of poetry, roses and galaxies."
She's Celetia

I'm doomed.

UncapableWhere stories live. Discover now