HELLO AGAIN

5 0 0
                                    

Two Less Lonely People - Air Supply

"Lakas ng ulan sa labas," pumasok si Jane na basang basa.

"May bagyo ba? Konti nalang magiging dagat na ang metro manila e," ani Rico.

"Ewan ko ba! Basang basa na ako, lintek na ulan yan!" Si Jane saka sya dumiretso sa banyo.

"Ano A? Tuloy ba gig natin mamaya?" Tanong ni Rico.

Rico, and Jane are my bandmates. Nakikilala ko sila noong umuwi ako ng Cebu at tumira kay Tati. They found out how fond of music I am kaya ginawa nila akong vocalist.

My Tati send me to school para matapos ko ang senior high. Nagtake din ako ng course sa college na related sa arts. I also helped my Tati run his business.

He owns a bar in Cebu, at naging malago at sikat iyon. He wants me to use my talent in helping his business. Naging vocalista ako sa banda at tumutugtug kami sa restobar ni Tati.

"Rain or shine?" I smiled.

He got the point so he smirked.

Ilang taon akong nanatili sa Cebu. Nakawala na ako sa step father kong iyon, at unti-unti ko narin nababawi ang sarili.

Tati was devasted when he learnt about my mother's death. Pero hindi naraw sya masyadong nagulat, dahil noon paman, ganoon na talaga ang step father ko.

I also heard that his company was bankrupt not long after I moved out. Nalaman din namin na malala na pala ang mga illegal nyang gawain, kaya naman nakulong na rin sya.

I felt like justice was served for me and my mother. Karma works on its own.

It has been six years, and I can say, I have fully gained myself back.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot.

"Tati?" I answered the call.

"Pamangkin ko! Will you able to do a gig tonight? Balita ko kasi ay may bagyo riyan, bumabaha na ba?" Tanong nya sa kabilang linya.

"Ayos lang, Tati. We can still do the gig tonight. Walang pinipiling oras ang landian dito sa manila e, "

Totoo iyon. Restobar lang naman ito pero kung magharutan ang mga costumer, ay nako dinaig pa ang bar!

Hindi ko naman sila masisi, parati kasi kapag nasa midnight na at papeak na, magiging wild narin ang kaninang calm na bar.

"Naku! Eh, magsarado nalang muna kayo ngayon? Bagong bukas pa ang bar kaya hindi pa 'yan masyadong pupuntahan," sabi naman nya.

Tati is in Cebu. At ako ang inatasan nyang mamahala sa branch nya rito sa Manila. At first, I was contemplating to accept it kaso sabi ni Tati I'll have a lot more opportunities here. Alam ko naman iyon, may tao lang talaga akong iniiwasang.... makita.

Kamusta na kaya sya?

"It will be fine, Tati. Ako na ang bahala. Malakas na ang bar ngayon. Isang buwan na rin mula noong binuksan natin 'to," pampalubag loob ko sa kanya.

"Titila narin ang ulan maya-maya, kaya no worries na," dagdag ko pa.

"Alright. Call me immediately when there's a problem, 'kay?"

"Yes po. Pahinga kana riyan," I said.

For the past years, I have gained myself back. I graduated senior highschool with honors, and my Tati was so proud of me.

Despite dealing with anxiety at times, mas pinipili kong lumaban at magpatuloy. Tati helped me through the process of my healing, mas pinalapit niya ako sa musika – kung saan ako mas may halaga.

UncapableWhere stories live. Discover now