BREAK UP

7 0 0
                                    

Sa bawat paglipas ng minuto kasabay ng hangin ay narito ako gulong-gulo.

Hindi ko mawari ang dahilan sapagkat ito lamang ang aking tangan – ang aking pagmamahal.

Maari bang wag ko nalang itong iwan? Ngunit paano ang kinabukasan? Napakaraming hadlang.

Para sa pusong nais lamang ang magmahal, nariyan ang pagsubok na daraanan.

Nakakapanlumo.

Pinagmamasdan ko si Ryuji na natutulog. Gabi na at ang malamig na hangin ay dumadaplis sa aking balat, lumalampas sa manipis na takip ng balat.

Mapayapa syang tingnan kapag natutulog, aakalain mong wala syang dinadalang masakit na nakaraan sa kanya.

Sa malamig na gabi ay pinagmamasdan ko ang aking mahal na aking iiwan pagkatapos ng araw.

Kahit anong hanap ko ng dahilan para wag syang iwan, matimbang pa rin sa akin ang kagustuhang maayos ang buhay at hayaan syang lumipad sa pangarap nyang alam kong walang katumbas na kahit ano– kahit pa ako.

"Gusto kong maging magaling na engineer. I want to show my father that he was wrong on being hard on me. Gusto kong makita nya na mali sya na inilayo nya ako sa Nanay ko," he said.

We talked about our dreams later that night and he told me things to ponder.

He was eager to prove himself to his father, and I am no good for that. Kasi para sa akin, gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya ko.

I don't need to prove anything to that so called father of mine. Pero sa sarili? Marami.

"I dreamt of finding my mother right after I graduate from college, at ipakikilala kita sa kanya," ngiti nya pa.

Too sad. Paano ko ihaharap ang sarili ko sa iba gayong sa sarili ko mismo, hindi ko kaya?

We slept after we talked that night but I woke up because of the light coming from the phone.

It was Ryuji's phone. My instincts are fast to overpower me that it made me picked up the phone.

It was a message from his father, and Lala.  I had to get up to stop myself from sobbing out loud from what I had just read.

Father
Remember what I told you, Ryuji. You will not find your mother if you'll keep that girl, and I will take your Lala away.

My Lala
Apo, I miss you.

It was just a simple message from Lala but it broke my heart. How can he do this? He should have choose Lala over me!

Mapayapa pa rin syang natutulog habang pinapakalma ko ang sarili. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Dapat ba matuwa ako dahil mas pinili nyang makasama ako dito ngayon kahit na binabantaan na sya ng tatay nya? At ang... ang Lala, nami-miss na sya ni Lala...

Hindi ba kina Lala naman sya umuuwi? Did his father took Lala away? O sya ang lumayo dahil ayaw nyang madamay ang Lala?

Naguguluhan ako.

Gusto ko syang gisingin para linawin ang lahat, pero ang mapayapa nyang mukha ay pinipigilan ako.

I wanted to shout my frustrations out, pero ayokong magising sya. I wanted to shout at him from keeping things from me, but how can I do that?

I went out of our tent and spend the rest of the night watching the sky turns a light and wait till the sun rise.

Hindi ako natulog, nakatanaw lang ako sa langit habang tahimik na lumalandas ang mga luha sa pisngi.

UncapableWhere stories live. Discover now