Naranasan nyo na bang maguluhan sa inaakto ng isang tao?
Ako kasi, oo.
I told Ryuji to know me on his own which I think did trigger him para abangan ako. He said susunduin nya ako pero hindi nya sinabi kung saan kami pupunta. Busy rin ako no!
Pagkatapos nyang sabihin na susunduin nya ako ay binigyan nya ako ng isang madahilang ngiti at agad tumakbo pabalik sa building nila. Malayo ang STEM building sa HUMSS building kaya late na rin yun sya.
Taga attendance nga talaga sya dahil hindi nya naman inalintana na late na sya at nagawa nya pa akong hintayin sa labas ng room ko.
"What is Mass Communication again, Ms. Vergara?" Napabalikwas ako sa biglaang pagtawag ni Mr. Casto sa apilido ko. Oral Com namin ngayon at masyado ata akong tulala para makinig pa sa mga dini-discuss nya. Kinalungkat ko ang aking module at nakia ang sagot sa katanungan nya.
Tumayo ako, handa na sa isasagot. "Mass communication is a process of imparting and exchanging information through mass media to large population segments." I answered flawlessly. "This type of communication uses tv broadcasting, and such media platforms wherein an information will be broadcast." Dagdag ko pa.
Madali lang naman ang Oral Com. Kailangan maintindihan mo lang ang iba't ibang klase ng pakikipagkomunikasyon. Favorite subject ko ata ito, pero bakit hindi ko kayang makipagkomunikasyon?
Haha. Duwag kasi.
Natapos ang klase na tulala ako. Ryuji's words stayed in my mind, rent free. I hate how this random guy barged into my life and effortlessly occupy my mind. I couldn't bring myself to be open, specially sa kanya. Kahit nga kasi sa mga magulang ko, hind ako open kay Ryuji pa kaya?
The sun is almost setting tanaw ko ito mula sa labas ng room namin. Hindi pa ako lumalabas dahil bukod sa talagang tulala ako kanina, may inaayos rin akong activity. Ayokong iuwi to sa bahay, baka makatulugan ko lang.
Natapos ko ang activity ng walang kahirap hirap. Assignment dapat ito pero mas pipiliin kong ipasa ito ngayon. Nakapag ligpit na ako ng gamit nang naagaw ang pansin ko ng isang lalaking nakatalikod.
He's true to his words huh?
Ryuji in his perfectly ironed uniform is standing there, looking dashingly handsome. Hindi ata sapat ang handsome na word para ilarawan ang taglay na gandang lalaki ng isang ito.
He has this cold yet inviting aura around him. Kahit na matatakot ka sa sobrang lamig ng ekspresyong ipinapakita ng mata nya hindi mo magawang hindi sya titigan. His presence could make your legs tremble, pero mas pipiliin mong lumakad at makita sya ng malapitan despite how trembly your legs are.
Sa madaling sabi, nakakalaglag panti ang gwapo nya.
I won't lie, he really is attractive.
I stopped at my thoughts when I realize I'm drooling too much on him. Hindi pwede! Pagtatawanan ako nyan pag nalaman nyang napopogian ako sakanya! Baka malunok ko ang mga sarili kong salita!
Lumabas ako ng room at nagtungo sa kanya. I saw how amazed he was when I finally reach him and get his attention.
"May ipapasa ako sa faculty." Pambati ko sakanya. Ipapasa ko muna to bago ko aalahanin kung saan ako dadalhin ng mokong nato.
"Samahan na kita." He responded.
Nauna akong maglakad papuntang faculty nang may muntik ng makatapon sa akin ng kape.
Ryuji has fast and strong reflexes. Sa bilis nya ba naman akong hinablot at inalayo sa posibleng pagkatapon ng kape sa mukha ay masasabi kong, ang bilis nya. Si the flash ata to e!
YOU ARE READING
Uncapable
RomansaAzlen Ryuji Dela Cuesta and Aurora Celestia Vergara (SAKS SERIES #1) Two people bound to fall in love in the most random time of their lives. The journey of their lovestory in which they learn how capable they are of something they believe they're u...