IN THE RAIN

9 2 0
                                    

Dati, hindi ako naniniwala sa pagmamahal, hindi rin ako naniniwala na kaya kong magmahal. Pero that was before. Things change and the only constant in life is– change! Siguro, ayos lang.

Hindi ako makapaniwala. May isang tao pala na kayang baguhin ang paniniwala ko. May isang tao pala na kayang iparamdam sa akin ang pagmamahal. And I am lucky for that.

Nakaramdam ako ng patak ng ulan kaya napatingala ako. Nakaupo parin kami rito sa garden. "Hala! Umuulan!" Nagmamadali tuloy akong tumayo at nagligpit ng mga gamit, gano'n rin si Ryuji.

"Hala paano yan?" Sumilong muna kami sa puno at maiging tinatago ang mga gamit namin kasi lumakas na talaga ang ulan. Kung hindi titila ang ulan ngayon mapipilitan kaming lumusong sa ulan bahala na kung mabasa, friday naman ngayon kaya walang pasok bukas.

Sa bag ni Ryuji may kinuha sya, payong yon. "Oh, may payong pala ako rito" Nakangiti pa sya. Binuksan nya ang payong nya at nakitang kong sira ang ibang parte ng payong, pinigilan ko ang tawa ko. "Yon lang, sira. Paano yan? Uuwi kang basa?" Nanunuya na sya ngayon.

Natatawa parin ako sa yabang nya. "Uuwi ka ring basa no! Tingnan mo yan sira!" Tawa ko sa kanya.

Inakbayan nya ako. "Lika na! Kasya lang tayo dito, kaya to!" Ewan ko sayo, Ryuji.

Nagpadala nalang ako sa kanya, alangan naman mabasa ako fully. Baka magka-sakit pa ako!

Napansin kong nababasa ang kabilang side ko, gano'n rin ang sa kabilang side nya basa narin. "Nubayan! Basang basa na tayo!" Reklamo ko sa kanya at inabot ang payong para ibaba.

Ngayon, we are both soaking wet in rain.

Tumakbo ako, hindi alintana ang ulan at lamig. "Ryuji! Maligo tayo!" Sigaw ko sa kanya, nakatulala sya roon halatang nagulat sa pagbaba ko ng payong. Tinitingnan nya lang ako at kita ko sa mata nya ang. . . saya?

"Lika dito!" Aya ko sa kanya.

Tumakbo sya palapit sa akin. Nang ilang metro nalang ang layo ay agad akong tumakbo, nagpapahabol.

Hindi ko naranasan maligo ng ulan. Hindi kasi ako pinapayagan, Dad used to be so strict and Mom would not let me go out, sa kwarto ata ako lumaki bukod sa school e.

Now that I am experiencing this, sobrang saya ko.

Tawa ako ng tawa habang tumatakbo at nakatingin sa kanya na hinahabol ako, ang saya nya rin tingnan.

Pareho kami.

"Bano ka pala e, di moko mahabol! " Tawa ko sakanya. Hinihingal na sya.

Nagulat ako kasi biglaan syang gumalaw. Ang bilis nya kasi nasa harapan ko agad sya! Napaatras ako kaya mabilisan nya akong sinakop sa bewang ko. Nasa field na kami ng school. Sirado na siguro ang gate madilim na kasi pero bukas pa rin ang nagiisang ilaw rito sa field. Dito kami nagtata-takbo habang umuulan.

"Got you" Bulong nya.

My heart is beating so fast as I stared at his brown pretty eyes.

Juicecolored!

Sa lapit namin hindi ko na alam kung ano ang gagawin.

"Celest, ang ganda mo pala kahit mukha ka ng sisiw" He chortled.

Tinulak ko tuloy sya, nahiya ako! Compliment ba yon o pang-aasar?! Mixed feelings ano bayan! Ang daya rin talaga nitong si Ryuji e! Pag ako bumanat, naku! Baka maghubad yan sya bigla!

Char!

Days flew so fast. Totoo nga ang sabi nila; kapag masaya ka, pakiramdam mo ang bilis ng takbo ng oras. Pero para sayo lang yon, iba ang nararamdaman ng iba.

UncapableWhere stories live. Discover now