LOVE IS

14 2 0
                                    

Love is heavy and light,
bright and dark,
hot and cold,
sick and healthy,
asleep and awake–
It's everything except what it is.
-William Shakespeare

For someone who isn't familiar with the feeling of being loved, it is crucial to accept someone to enter your life.

What Ryuji told me fill me to the edges. I never thought someone would be interested in knowing who I am.

Hindi ako sanay.

Nakaupo kami ngayon sa benches, hindi pa umuuwi.
After he told those words that shock me to the core, hindi nya ako hiniyaan umaalis. Naramdaman nya siguro na tatakbo nanaman ako kaya pinangunahan nyang pigilan ako.

"Let me introduce myself to you. I know you're confused on why I am acting like this towards you." Panimula nya. Kanina ko pa sya hinihintay na magsalita, ngayon nya lang ata nagather ang courage nya to talk.

Kadalasan sa mga nasasaksihan ko torpe ang mga lalake. Pero si Ryuji, ni hindi ko makita ang bakas ng katorpehan sa mukha nya, isa sa mga dahilan kung bakit naiisip kong trip nya lang ang mga ginagawa nya.

I looked at him. Kita sa  mga mata ko ang katanungang isang linggo at tatlong araw ko ng iniisip ang sagot.

"Azlen Ryuji Dela Cuesta" Tumayo sya at nilahad ang kamay nya sa akin. Napatingin ako sa kamay nya puno parin ng katanungan.

Halos isang oras na kami dito, hindi nya parin sinasabi ang intention nya sa akin! Oo, sinabi nyang interesado sya sa akin. Interesado syang malaman kung sino ako. But you can't blame me, ang creepy kaya!

Tinanggap ko ang kamay nya "Aurora Celestia Vergara" pagpapakilala ko naman. He already know my name, but I want to state the right pronounciation of my it.  Kahit ito nalang ako ang makagawa. I can't say more of it, bukod sa pangalan sa tingin ko wala na akong dapat sabihin.

How will he know you if you'll not let him?!

Ang sagot, hindi ko alam.

Takot ako e.

I want to mentally scold myself for being such a coward.

"I can say, you have alot of thoughts. One thing I want to know are those." He effortlessly make my heart fluttered with his words.

Tinitigan ko si Ryuji. Is he just blabbering things or is he sincere? Thing about people is that you can't tell when are they sincere. For someone like me, hindi ako sanay sa mga pinaparamdam sa akin ni Ryuji, at ayaw ko rin masanay.

His words are indeed inviting. But I'm such a coward to be tangled.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko gusto ang mga salitang binitiwan ni Ryuji. As for someone na hindi naranasang makarinig ng mga salitang iyon, I'd like to taste a bit of it.

His words are soothing. Para bang hinehele ako sa sarap ng mga salitang namumutawi sa bibig nya.

But, the mere thought that he'll also neglect me, scares the shit out of me.

Gusto nya akong kilalanin? For some reason na he's interested in knowing me?

Parang impossible.

Binawi ko ang tingin ko sa kanya bago ko sya sinabihan ng mga salitang galing sa mga ideya na ginawa ng aking utak. "You're wasting your time in me, Ryuji. Maghanap ka ng ibang guguluhin." I told him matter-of-factly.

I can see disbelief in his eyes. He was conceling it with his cold aura. "I know how to use my time, Celeste. And I know it's not being wasted in you."  Sobrang confident naman nya, sana ako rin.

Umuwi ako ng bahay at gulat na nadatnan ang mga maleta sa garahe. Aalis na siguro sila Mom. Nadatnan ko si Mommy na chinecheck ang gamit nila sa loob ng van na sasakyan nila. She saw me and her face formed a scowl. "You look so tired. Ano bang mga ginagawa mo?" She asked, didn't sound concern at all.

"We have a lot of activities to do po." I just said dismissively. Ayoko na pahabain ang usapan namin. So what if I look tired? Pagod naman lahat ng studyante ngayon. Of course, she didn't know a thing about me at all kaya paano nya malalaman? I love my parents pero they fail to make feel the same.

Sad thing is that I always feel the last option for them.

Isang araw nung nasa elementary palang ako I begged them to attend my graduation. Wala sila sa mga recognitions ko noon kaya gusto ko sana na nasa graduation man lang sila. I understand that they had to work, business is the most important thing for them at all. I'm just a mere child craving for her parents attention and love.

I was hoping they'll come. Kahit last minute lang, okay lang talaga. But none of my parents showed up. Pagkatapos ng ceremony ay agad akong tumakbo at lumabas ng school. I sat on the bermuda grass, nasa labas ako ng school sa may sulok na bahagi. Iniyak ko lahat roon ng sakit. Sakit dahil hindi sila pumunta sa graduation ko, may honor pa naman ako! Sakit dahil narealize ko, bakit kaya ganito sila?

Why do they chose their work over their child?

Siguro kasi, I am their last option. Hindi naman ako importante at kung magiging importante man siguro kapag napakinabangan na.

The next day ay gumising ako at napabalikwas ng makita ang kung anong oras na. It's fucking 7:15 AM! At 7:30 ang pasok ko! I strangled on my sheets as I hurriedly go the bathroom para magmadaling maligo at mag ayos. Makaka abot pa naman siguro ako?

Pero, I'm just a girl eh! Hindi sapat ang 15 minutes para maghanda!

I took a quick bath at ito na ata ang pinaka quick sa lahat ng quick bath. Hindi man lang ako nag 5 minutes sa bathroom! Record breaking to! Matatawag ko itong one of my biggest achievements!

Pagkatapos magbihis ay agad akong bumaba. "Ate Cena, hindi napo ako kakain. Late na po ako!" Paghehestirika ko kay Ate Cena na syang nasa kusina. Pati si Ate Cena ay nagpanic nang marinig akong nagmamadali.

"Hala ka! O sya sige! Baunin mo nalang ito!" Sabay abot nya sa akin ng pagkain na nakalagay sa isang tupperware. I mentally thanked that Ate  Cena is here. Kahit papaano, nakakaraos ako sa pangungulila ko sa mga magulang ko.

I hugged Ate Cena and hurriedly left without saying any word.

Mahirap talaga para sa akin ang magsabi ng mga sweert words sa kahit na nino. Miski thank you hindi ko alam paano banggitin ng hindi nakakaramdam ng hiya.

Nakarating ako sa school ng 7:25 na. I mentally prayed na sana makaabot pa ako. Nagtatakbo ako para lang maka abot. But with all the fairies,  saints at kung sino pa ang tinawag ko, hindi ata ako narinig.

Ryuji in his perfectly ironed uniform stand tall infront of me.

Napatigalgal ako.

My heart is beating so fast. Siguro dahil sa pagtatakbo ko o dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon?

He looks dashing. Mukha talaga syang Adonis kapag nasisinagan ng araw. I mentally scolded myself. Pigilan mo! May bet kayo!

A flashback to what happen that night. Sinabi ko sa kanya na nagsasayang lang sya ng oras kung sa akin nya ito ilalaan. But he's persistent kaya naman I threatend him.

"Do what you want. Kilalanin mo ako kasi hindi ako magpapakilala sayo."

That statement earned a stern smirk from him.

He was confident. I dont know why.

He is towering over me now at kinakabahan ako kasi bukod sa alam kong nandito sya para simulan ang "pagkilala" nya  kuno sa akin ay punyemas late na ako!

"Susunduin kita mamaya." He said like its just a usual way of saying something.

That earned a scowl from me. He'll what?

Son of a gun!

UncapableWhere stories live. Discover now