MADLY IN

10 0 0
                                    

Christmas wish. Ang sabi nila kapag nabou mo raw ang siyam na gabi para sa simbang gabi, matutupad ang kahilingan mo.

I never tried it though. Hindi naman kasi ako palasimba. But I wonder, totoo kaya iyon? Will my wish would come true, kapag kinompleto ko ang siyam na gabi?

"Anong gusto mong regalo? Wala akong maisip e, nasayo na kasi lahat." I said as I wink at Ryuji. Kanina ko pa sya inaasar dahil hindi parin sya makabawi sa gulat nya. E halos isang linggo na lumipas!

His face redden and he immediately diverted his sight to the other side, nahihiya na sya ngayon. Mahiyain pala?

We we're at the mall, trying to buy gifts kasi bukas na ang year end party o christmas party namin sa school. Kasama namin sila Ari, Klay, Glen at Craige kaso sumakabilang store sila.

"Sa gwapo mong yan, siguro kailangan mo ng pampa-pangit" Sabi ko ulit habang naglalakad sa mga shelf ng mga gamit dito sa store, sya naman nasa likod ko lang.

"Sa gwapo kong 'to isang Aurora Celestia lang dapat sakin." Ayon! Nakabanat rin!

My face formed into sa scowl which made him laugh.

"Bumabagyo na, Aji. Ang hangin masyado!" Pagkontra ko naman.

"Well, you just said I'm handsome. Ikaw ang nagsimula ng bagyo." He retorted.

"Naniwala ka naman?" Tiningnan ko sya at tinaasan ng kilay.

"I'd believe everything you say, Celest. Basta galing sayo." He simply said.

Napatigil naman ako sa sinabi nya. He'll believe everything I'll say? Sobrang naman ata ang tiwala nya sa akin!

"Kahit kasinungalingan, paniniwalaan mo?" I asked.

"Why? Will you lie at me?" Sya na ngayon ang nakataas ang kilay sa akin.

Me? Lie? No. Never. Ba't ko naman gagawin iyon? I never thought of lying to someone, specially to him. Lying was never a right thing to do. Siguro may ibang nagsisinungaling because they think it's the best choice they had in order to not hurt the person. Pero hindi nila alam na ang pagsisinungaling ay mas masakit pa sa katotohanan.

I would never lie.

Mas pipiliin ko pang mabuhay sa masakit na reyalidad kaysa maging masaya sa kasinugalingan.

Napailing ako agad bilang sagot sa kanya.

"Then, the answer is served." He then smiled at me.

"Ganyan ba ka laki tiwala mo sa'kin?" I asked.

Tumango sya at pinisil ang ilong ko. "Our relationship should have trust and respect for each other, Celest." He said.

"I trust you." I admitted.

"Of course. I trust you too." He then smiled. Napangiti na rin ako.

"Hindi ko parin alam kung ano ang ireregalo ko sayo" I pouted. Hindi ko pa rin talaga alam kung ano ang ibibigay sa kanya! He has everything already, including me! Chariz! Ang landi!

"I have you already, what's there to wish for  anything?" He swiftly said not even blinking.

"Che! Bolero!" Sabi ko nalang kasi namumula na ang mukha ko. Tinalikuran ko na sya para makahanap ng ireregalo sa kanya.

"How was your party?" Salubong ni Ryuji sa akin. Kakatapos lang ng year end party namin, by section 'yon kaya hindi kami magkasama, isa pa magkaiba kami ng strand.

I smiled at him. "It was good! May natanggap rin akong gift! Kahit wala naman akong nilagay sa wishlist ko. Haha!" Sagot ko naman. Naglalakad kami papuntang garden dahil kami naman ang mage-exchange gift.

UncapableWhere stories live. Discover now