BROWN EYES

10 1 0
                                    

Brown Eyes by Destiny's Child

A day after christmas I went back to our house. The house feels so empty. Wala kasi rito si Ate Cena at Kuya Je, they go home for holidays. My parents are also still out of the country, so mag isa ako rito ngayon, nakatulala sa ceiling ng living room.

This is how I always celebrate holidays. I couldn't remember when did I last spent christmas with my parents, ni birthday ko nga wala sila e.

Pero ayos lang naman, nasasanay na rin kasi ako. Pakiramdam ko wala naman ng magbabago kung magda-drama pa ako e, kasi wala namang pake ang mga magulang ko.

Patatagan nalang, ganon.

Ayokong mag-isip pa tungkol sa mga ganitong bagay sa ngayon, kagagaling ko lang kina Lala no! And she told me to smile always, I know its not literal 'smile always' she meant na kahit matutulog ay nakangiti, it's just that always find the sliver lining, para may rason kang ngumiti.

Spending christmas with them somehow fills in the void inside my heart.

Hindi na ako ganon ka kulang.

Hindi na ganon ka kulang sa pakiramdam.

So, to divert my thoughts napagdesisyonan kong maglinis nalang. Our house is in a subdivision, hindi naman maliit hindi rin ganoon ka laki. My touch ng modernity ang bahay namin pero halos lahat ay traditional, lalo na sa kulay.

I was busy putting my boxes aside na ang laman ay mga dating papers ko mula sa mga nakaraang school years, hindi ko pa ito natatapon. Nagkalat ang mga nililinisan ko sa living room.

Tumunog ang doorbell namin and I was pertified. Wala naman akong inaasahang tao?! Wala rin akong bisita? Ari too is out of the country to celebrate the holidays there.  Sino kaya to? Kinabahan naman ako!

Kinuha ko ang isang walis sa gilid bago ako lumabas para tingnan kung sino ang tao. Nang makalabas ako ay wala naman akong natanaw na nakadungaw, but to make sure binuksan ko ang gate at akmang ibabato na ang walis na hawak ko nang sinalubang ako ng nakangiting Ryuji!

Nakangiting Ryuji! Nasa harapan ko!

Hala?!

"Bakit ka nandito?!" Tanong ko sa kanya. Nasa labas pa rin sya ng gate,  hindi ko pa pinapapasok.

"Can I go in first? It's actually hot here." Madrama pa syang umakto roon na naiinitan.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Hoy, Azlen Ryuji! Bakit ka nandito? Ang sabi mo may family lunch kayo? So, why are you here?" Nakapamewang kong tanong sa kanya.

He told me that they have a family lunch today dahil hindi sya nagcelebrate ng pasko kasama ang pamilya ng papa nya.

"Calm down, love." Tinawanan nya lang ang itsura ko! "The lunch is done. Its one pm in the afternoon already." He said.

Ay, lintek! Ala una na pala? Hindi ko napansin! I was too preoccupied of what I was doing– I was down cleaning!

"Hala, ala una na pala?! Grabe, diko napansin!" Sabi ko. Nakita kong kumunot ang noo ni Ryuji kaya binalingan ko sya ulit. "Kung ganon, bakit ka nandito?" Tinaasan ko sya ng kilay.

Humakbang sya palapit sa akin hanggang sa nakapasok na sya, napaatras naman ako. Ayokong lumapit! Kanina pa ako pinagpapawisan kakalinis kaya paniguradong mabaho na ako!

Hakbang sya ng hakbang palapit habang atras naman ako ng atras. Ryuji! Ang baho ko e!

Napakunot ang noo nya at nagtagpo ang dalawang kilay bago nya ako marahang inabot at mabilis na yumakap sa akin.

UncapableWhere stories live. Discover now