EVERYTHING I OWN

7 1 0
                                    

Everything I Own - Bread

Madilim ang gabi, ngunit binibigyan ito ng liwanag ng mga nagni-ningning na mga bitwin. Sa ganda ng langit, aakalain mong nasa harapan mo lang ang mga bitwin dahil sa lapit.

"Sa tingin mo, totoo ang mga bitwing yan?" Turo ko sa langit.

Nakaupo kami ngayon sa buhanginan, nakaharap sa dagat at hinahayaan ang malaming na hangin ng gabi na dumampi sa aming mga balat.

"Hindi mo makikita yan kung hindi totoo," sagot nya naman.

"Naniniwala kang lahat ng nakikita mo, totoo?" Tanong ko ulit.

Nakasandal ang ulo ko sa balikat nya habang nakatanaw kaming pareho sa mga bitwin sa langit.

We we're like stargazing, pero sa dagat.

"Not really. Pero hindi ba mas maniniwala ka kapag, nakikita mo na?" Napaangat ang ulo ko at tumingin sa kanya.

"Well, oo. Saka kalang naman maniniwala talaga kapag nakita mo na," saad ko. "Pero paano pag hindi mo nakikita ang totoo?"

"Walang totoong hindi nakikita, love,"  Ryuji retorted.

"Meron kaya," I drawled then went back to my position earlier, ibinalik ko ang ulo sa pagkakasandal.

"Hm? Tulad ng?" He put back his arms on mine, snaked.

"Tulad ng totoong nararamdaman ng tao, o ' di kaya totoong dahilan ng ibang bagay," sabi ko.

"Makikita mo naman ang totoong nararamdaman ng tao, sa mata nila, nakikita iyon, di 'ba?" He said.

"Hindi ganon kadali iyon. May mga taong magaling magtago ng nararamdaman nila," I said, napangiti ako ng mapait.

Kapag usapang pagtatago ng totoong nararamdaman, magiging pambato na ako. Siguro nga, panalo na ako, e.

It was because I grew up with a family na hindi nagpapakita ng emosyon. I lived my life in fear, hanggang ngayon.

May mga tao talagang ganon. The outcome of themselves is the product of their past.

Its just sad that we can't have the same past, as we are individuals, and we are destined for different paths.

We may can't choose the past that we want, but we can work on how we want our present and future to be.

Our past is not what we have at every moment of our lives, so let's not be a prisoner of it.

May narinig kaming nagkakatanhan sa malapit kaya napatingin ako roon.  Group of middle aged people were there, having fun at the karaoke.

"They look so so happy, " I stated.

"Yea, and carefree. I hope I can still sing kahit matanda na ako," Ryuji chuckled.

"Makakanta ka parin, kailangan mo lang hindi mangalawang," I gigled.

"Let's go there, It must be fun singing with them," sabi nya at naunang tumayo. Nilahad nya rin ang kamay nya sakin para tulungan akong tumayo.

Napangiti ako habang naglalakad kami patungo sa groupo ng mga matatanda. They all looked like seniors, pero hindi maipagkakailang malakas pa sila.

"Oh, mga bata! Halikayo rito! " pansin sa amin ng isang magandang babae, matanda na rin ito, pero may yumi parin ang galaw.

"Kayo lang ba ang narito? Naku! Naalala ko ang kabataan ko sa ganyang edad ninyo," saad sa amin ng matanda.

Napangiti ako sa kanya at ramdam ko rin ang paggalang ni Ryuji. May lumapit sa matandang babae na matandang lalaki, yumakap ito mula sa kanyang likuran.

UncapableWhere stories live. Discover now