TAKE ME BACK

8 1 0
                                    

Sinta - Rob Deniel

"Magkakilala ba kayo? Ano? Mag kaklase? Magpinsan? Ano?" Ang daming tanong ni Jane.

Magkakilala? Aba, higit pa! Kaklase? Hindi! Pinsan? Malaking hindi!

Dalawang araw na nya akong kinukulit sa pagtatanong kung kaano-ano ko ba si Ryuji. Hindi ko naman masagot, dahil hindi ko rin alam kung paano sasagutin.

Sasabihin ko bang boyfriend ko sya dati? Ex ko na sya ngayon? Pero parang sa estado ngayon ng mga reaksyon nya, mukhang hindi niya ako paniniwalaan.

It's obvious that she likes Ryuji. Ewan ko, sa paraan pa lang ng paglalarawan nya dito, ay parang pinagnanasaan na nya. Hindi naman ako masyadong nagselos noong kami pa, pero bakit ngayon, gusto kong sabunutan si Jane?

It's so immature! Nakakainis!

"Ang dami mong tanong," sabi ko.

Panay ang sunod nya sa akin, halos tumakbo na ako para lang matakasan sya.

"Apaka KJ! Gusto ko lang malaman, e! Bakit ang isang gwapo at mayaman na engineer nakahilata sa sahig ng dressing room natin!" Anya.

"Inakala nya nga'ng CR, okay?!" Nakakairita to.

"Eh paano?! May nakalagay kayang dressing room don!"

"Aba malay ko!" Iniwan ko na sya at nagmadaling pumasok sa dressing room.

Sa loob ng dalawang araw, walang mintis ang pagpunta ni Ryuji rito sa bar, pero hindi ko sya kinakausap.

Sometimes he'll be with his friends, mga engineers din, but mostly mag isa sya. I don't know what's his business here, pero hindi naman nakikipaglandian sa iba.

Girls would flock on him, trying to strike conversations, but ended up walking out because ignored.

This man has what every man wants. He is bulky, more taller than ever. His biceps screams hotness and sexiness in them. Matalino, at halatang mayaman. May naabot na at may pangalan na sa kanyang larangan.

I couldn't be more proud of him. He had it, everything. Ako, narito parin, sinusubukang umusad at ayusin ang sarili.

I had my own struggles and sure he has it, too. We were apart throughout the making of who we are today. He became successful, which he used to wish before. I am now developing and embracing my own talent, just like how I pictured it before.

But, the both of us gone through some shits that made our perspectives change in constant.

We are two people tangled, untangled, and tangled.

We were happy together, separated by life, and now united by circumstances of fate.

"May naghahanap sayo," katok ni Rico sa pinto.

"Sino?" Tanong ko at nagmadaling ayusin ang sarili para sa paglabas.

"Engineer Dela Cuesta," anya.

That felt so surreal. Ang engineer sa pangalan nya. Nakakagwapo.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam," anya at tahimik na umalis.

Huminga ako ng malalim bago ko napagdesisyonang lumabas.

Dumaan ako sa pasilyo papuntang bathroom. I needed to check my face before facing him.

Sa dalawang araw na nandito sya, gabi-gabi pa, hindi nya ako nilubayan ng tingin kaya grabe na lang ang pagka conscious ko sa itsura.

When I entered a cubicle I also heard footsteps and quiet squeals from women, maybe they're gossiping over something.

"OMG! Balita ko nagiging madalas na iyong gwapong engineer na iyon dito, ah!" Anang babae, may konting harot pa.

UncapableWhere stories live. Discover now