Mad
"Tambay tayong Daily Grind!"
Kumakaway na ang nakangiting si Caliber sa labas ng room. Sa lakas ng boses niya ay napalingon na ang iilang kaklase ko sa kaniya. Some of the girls squeaked at his sudden presence.
Well, he got a feature that you'll assume that he's a Korean, apparently he's not. And it was because of his face.
He got a deep set of eyes as well as his well-shaped brows. Kahit ang ilong ay katamtaman ang laki. His jawline is defined and angular, enhancing his manly features.
Marami ang nagsasabi na ang light ng awra namin. We're both quite approachable, unlike... Ledesma.
I shook my head, grabbed my pen and placed it in my uniform's chest pocket. Sinabit ko ang bag sa balikat habang naglalakad palabas ng room.
"Libre mo 'ko. Napaos ako kakasigaw noong game day," ngisi niya habang nakapamulsa kaming naglalakad sa hall.
I raised a brow. "Really? Sa Astrals ka naman, nagc-cheer?"
Tumawa siya. "Dude, wala naman akong sinabi na sa 'yo ako nagcheer? Sabi ko lang, napaos ako kakasigaw. Buti na lang may hinanda na si Mommy na taho."
I winked at the nerd who passed by us. Namula ito at nagmamadaling naglakad paalis na bahagya kong ikinatawa. Cute.
Siniko ako ni Caliber. He gave me a confused look after looking back. Humalakhak ako bago siya inakbayan, nanatili ang kaliwang kamay sa bulsa.
"Gago, kapag iyon naging creepy tulad ng isang nerd last month," babala niya at inayos ang magulong buhok.
"Hindi 'yan." Ngumisi ako at tinaasan siya ng kilay.
"Hindi? Syempre hindi ikaw ang ibabash kapag nagselos. Ako! Tignan mo pinost noong babaeng 'yon ang childhood picture ko dahil naiirita siya! You could almost see my balls!" reklamo niya at sinuntok ako.
He could not get over it. Nagtrending iyon sa social media, may iilan pang nag-story kaya stress na stress siya. It halted down immediately since we called out a team.
"Nah, you should give them the benefit of the doubt." I shook my head, removing my arm on him because he's getting aggressive as he punched me.
"Mama mo, bigyan mo rin."
I rolled my eyes at his sudden backfire.
"The nerd is quite cute. You didn't see the dimples?"
Kumunot ang noo niya. "Soft ones aren't my type, dude. Saka isa pa, pakiramdam ko laging library ang dating place namin dahil mas gusto niya pa ang presensiya ng libro kaysa sa 'kin, kung sakaling mangyari 'yon!"
"You're overreacting. Ako ang type, hindi naman ikaw..."
He nudged me with his elbow. "Why are you enjoying messing with people? Napakapaasa mo!"
I shrugged. "Hindi ako paasa. Gusto ko lang malaman niya na ang ganda niya kaya nakuha niya ang atensyon ko. You shouldn't make it a big deal."
He gave me a disappointed look. "And for Trev? Hindi ba panggugulo ang ginagawa mo?"
Ngumisi ako sa tanong niya. "He's a different case, Cali. Life is too dull if you won't watch his little life."
That was our topic until we reached the cafe near our school. Pinagitnaan siya ng Astral University at Prestige University kaya maraming estudyante ang nakatambay. It was our usual hangout place, especially that we love their pastries and coffees.
Walking distance lang naman ang pagitan ng school namin sa kanila. Kaya minsan nagtatagpo talaga ang landas namin ni Ledesma. Bagay na hindi ko naman iniiwasan dahil gusto kong may kapikunan.
BINABASA MO ANG
In Every Hues
RomanceYolo, a basketball athlete and architecture student didn't expect that he would like a man. After all the banter with him, but eventually searching for Trever's presence, he would realize the meaning behind his actions. Will he be able to entertain...