Hoodie
"Ang sakit ng panga ko, gagong Fuego 'yon," daing ko habang papasok ng restaurant.
Pakiramdam ko matatanggal ang baba ko noong nasiko niya ako. Muntik ko na siyang suntukin kanina. Isa lang ang pwedeng manakit sa 'kin.
Tumatawa sila at hinaplos din ang sari-sariling panga para asarin ako. I punched Cross' arms since he's the one beside me. Dumaing siya at tumakbo sa table na ni-reserve ni Coach Kim.
"Aksidente naman 'yon, dude," ani Tristan na akala mo santo ang paningin ng lahat sa kaniya kaya nagbabait-baitan.
"Hindi, dude, sadya 'yon," gatong ni Iverson. "Kaya nga, foul kanina, 'di ba?"
Tristan pulled him to take a seat. Umupo na rin ako habang ginagalaw ang panga, iniisip ang game kanina laban sa Avila.
It was a six point advantage against them. The last minute before the end of the quarter, I got elbowed in my jaw. Ngumunguya pa nga ng bubblegum si Fuego at ngumisi sa 'kin.
Nanliit ang mata ko habang inaalala ang mukha niya. Hanggang semi-finals lang ang ngisi niya. Alam kong sina Ledesma pa rin ang makakalaban namin sa finals.
Speaking of that guy, I wonder if he watched the game. But basing his usual attendance during our match, he was only existing if their team was against ours.
Kailan ba magkakainteres na manood sa 'min 'yon? Kung may balak siya, bigyan ko siya ng ticket saka autograph ko nang may remembrance.
Speaking of ticket, hindi naman siya nagsend ng pera noong nakaraan. Isang linggo na ang dumaan pero wala.
Hindi naman sa atat ako, wala namang kaso sa akin iyon, pero hindi naman ata siya tumutupad sa sinasabi niya. Baka prank lang niya 'yon?
"Mabuti at iniwasan mo ang pagiging pikon sa court, Veracruz. Baka sa susunod, mababangko ka na kung pinatulan mo 'yon."
Ngumisi ako at umiling kina coach. Umugong ang tawanan ng team ko at binuksan ang ibat-ibang klaseng pahayag nila sa buhay, na akala mo ay hiningi ko.
"Kaya nga, coach. Palong-palo na asarin si Trever sa court pero ibang team ang bilis mapikon," tawa ni Tristan. "Grabeng self-control yung kanina."
Sumali si Logan. "I'm actually waiting for Trever to slam the ball on his face someday. Siguro sa finals na? Kapag nakalaban na natin ulit sila?"
"Oo, gago, ang sarap sigurong panoorin no'n." Hinampas ni Iverson ang balikat ni Cross na nakangiwi na.
"Waiting mabangko ang isang Veracruz," dagdag ni Ino.
Kung i-umpog ko ang panga niya sa bangko nang makapaghintay siya doon.
Tumawa lang ako.
"Hey, don't wish for that," saway ni Cross.
Habang tumatawa kami ay dumating na ang order. May sumipa sa paa ko kaya napabaling ako sa kanila na may tinitignan sa likuran ko. I spotted the Astral team at the entrance.
Without Ledesma.
I kept on glancing at them. Tumango ang coach nila sa amin nang dumaan. Hinanap ng mga mata ko ang team captain nila pero mukhang hindi sumama.
Pati ba naman dito? Tss.
Ipinilig ko ang ulo at naiinis na tinusok ang steak.
"Umarangkada na naman siguro ang pagiging killjoy ni Trev," komento ni Iverson.
I glared at him. Ngumunguya siyang ngumiti sa akin at nagthumbs-up pa.
"Midterms nila, 'di ba? Sa atin nga, next week pa pero sumabay pa sa game natin laban sa Crestview." Cross already has his mind on our hell week.
BINABASA MO ANG
In Every Hues
RomanceYolo, a basketball athlete and architecture student didn't expect that he would like a man. After all the banter with him, but eventually searching for Trever's presence, he would realize the meaning behind his actions. Will he be able to entertain...