Sulk
"Sabog sa finals?" bungad ni Cali na naghihintay sa kotse ko.
"Hindi ako nakareview sa isang subject, kabanas!" inis kong reklamo.
I honked the car and got into the driver's seat. He opened the door in the back seat, fixing his hair and slightly unbuttoned some buttons of his uniform.
"Susunduin mo si Trev?"
Iniisip ko tuloy na nanliligaw na ako. Excited tuloy ako. Para akong tangang nakangiti habang nagmamaneho.
"Yeah..."
I maneuvered the car outside the school. Sa labas lang ng university nila ako nagpark. Lumabas kami agad ni Cali at tumungo sa nagbebenta ng street foods.
"Sa tingin mo, anong paborito ni Trev?" baling ko sa kaniya.
"Fishball pa rin naman?" He munched the fishball, his cheeks looked so stuffed.
"Hindi na raw siya mahilig dito..." sumbong ko.
"Tanungin mo!"
"I'm about to..."
Sabi ko nga, interesado akong kilalanin siya ulit. Napapansin ko rin ang mga ginagawa ko noong nakaraan. Sobrang layo sa dati.
"'Yan na, oh." Cali nudged my shoulder.
Tinapon ko ang plastic cup sa basurahang nasa tabi ko. Dumapo agad ang mata ko kay Trev na mukhang pagod na pagod. He immediately spotted us.
His hair was messy, and three buttons were already undone on his uniform, which slightly exposed his skin. He wasn't wearing his ID, just his dog tag.
"Kain, dude, libre ni Yolo," Cali gave him a space between us.
"Benteng kikiam at kwek-kwek po, Kuya..."
A'ight, I'll take note of that...
His scent invaded my nostrils. Saglit niya akong nilingon nang yumuko ako sa balikat niya, nagpapalambing kay bestfriend.
Ang bango naman... Gusto ko na agad matulog.
"Bagsak sa isang subject," kwento ni Cali.
"Is it your minor subject, Yohan?" baling niya sa 'kin, nagbaba ng tingin.
"Yeah... I'm not confident with my answers. Sana mahatak ng majors," dalangin ko.
Dalangin ko rin 'tong katabi ko.
"Hayop na katalinuhan 'yan! Ilan kaming 'di sure sa minor sub? Taas kamay!" agaw-atensyon ni Cali at nagtaas ng kamay.
Trever chuckled when some of the students who heard Cali's word did the same. Umingos ako at inaantok na ipinikit ang mata.
"Ito po, Sir..."
Trever immediately grabbed the street foods he ordered. Umayos ako ng tayo, sabay pasada ng buhok, at kinuha sa bulsa ang wallet.
"Ito po, Manong..." I handed the vendor a 200 peso cash.
"Iubos na lang sa natitirang fishball po, Manong," ngisi ni Cali.
I rolled my eyes. Sobra pa ng one hundred ang sukli. Kakatayin ba siya?
Hinintay muna naming ibalot ang fishball bago naglakad patungo sa kotse. I jogged towards the passenger seat door and opened it while yawning.
"Ako magda-drive?" takang tanong ni Trev.
"No, it's me..."
Cali went inside the backseat with a confused look.
BINABASA MO ANG
In Every Hues
RomanceYolo, a basketball athlete and architecture student didn't expect that he would like a man. After all the banter with him, but eventually searching for Trever's presence, he would realize the meaning behind his actions. Will he be able to entertain...