Big Deal
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan habang sinusuot ng varsity jacket. I placed it above my dark green plain shirt and black pants, partnered with my white sneakers.
"Where are you going? Akala ko ba 8am pa klase mo?" tanong ni Mommy na nakaupo sa single sofa.
Alas-singko pa lang ng madaling araw. Mabilis lang naman ang flight nina Ledesma. Makakaabot pa si Tiana sa klase niya. Wala akong pakielam sa isa.
Hindi na dapat bago 'to kay Mommy. Madaling araw naman ako laging umaalis. Hindi ko alam kung para saan pa ang pagtatanong niya.
"Airport," maikli kong sagot nang tumigil sa harapan niya habang inaayos ko ang Rolex sa palapulsuhan.
"Uuwi ba Daddy mo?"
I shook my head. "Hindi."
Kailan ba umuwi 'yon? Sa mga nakalipas na taon, ni hindi ko man nakita ni anino niya simula nang tumuntong sa ibang bansa.
Lumaylay ang balikat niya na ikinakunot ng aking noo. Parehas talaga sila ni Ledesma, hindi ko makuha kung anong nasa isip.
Minsan nasa mood, minsan madrama, laging nakakairita, at maiiwan kang nagtatanong kung bakit ganito ang mga asta.
"May sariling pamilya na si Dad. Kaya bakit siya uuwi rito?" irita kong tanong sa kaniya.
Her eyes were clouded with different emotions as she spoke to me. "T-To visit you? Ilang taon na rin siyang nasa Australia. Baka..."
I twisted my lips to control myself. "Masaya na 'yon, importante sinusustentahan niya pa rin ako sa responsibilidad niya. Hayaan niyo na siya."
"Yolo, that's not what I meant-"
"Eh, ano po?" I asked in a controlled voice. "Alam niyo namang tuwing nagpapadala siya ng pera niya lang ako nakakausap, ilang taon na, 'di ba, My? Alam mo 'yon!"
She stood up, her hands reaching to console my raging system. Umatras ako. She stopped with her lips parted in disdain.
"Huwag na kayong umasa na babalik siya rito."
Ni hindi ko nga inaasahan na babalikan niya pa 'ko rito!
They both cheated on each other. They both cheated on their vows. And they both cheated... on me!
And they know that they both hold accountable of what I am acting right now. Tiniis ko ang lahat ng epekto nila sa akin kahit ang bata-bata ko pa no'n!
Sa ganoong edad, dapat gasgas lang sa paglalaro ang matatamo ko. Pero bakit sila pa ang sinugatan ako ng todong-todo?
I combed my hair in frustration, as I snatched the car keys on the coffee table, near her spot. Mabilis akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse.
Nanginginig pa ang kamay ko sa galit habang minamaneho palabas ng garahe ang kotse ko. I watched the maid open the gate. And my mother at the main door, watching me drive away.
I tried so hard not to cry over it. Ang sakit ng ulo ko kakapigil ng luha. My vision was blurry as I speed up, even my lips quivered when I tried to heave a deep breath.
Tinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada at yumuko. Nang tumingin ako sa side mirror ay namumula ang mga mata ko.
I calmed myself down for a few minutes, before driving to the airport.
"Yo, Veracruz!" nakangiting bati ni Fang nang lumabas ako ng sasakyan.
"You'll fetch Trever?" malamig kong tanong, nakataas ang isang kilay.
BINABASA MO ANG
In Every Hues
RomanceYolo, a basketball athlete and architecture student didn't expect that he would like a man. After all the banter with him, but eventually searching for Trever's presence, he would realize the meaning behind his actions. Will he be able to entertain...