Bro Code
"Astrals kalaban natin sa finals," banggit ni Tristan habang kumakain kami sa isang korean diner.
We're having an unlimited samgyupsal right after finishing our finals. Mamaya pa kami pupunta ng bar, pero nagdadalawang-isip ako dahil inaantok na.
"Iyak na naman siguro si Oliviero no'n dahil talo. Ang sarap!" natatawang daing ni Iverson.
Humagalpak kami ng tawa. May ilan tuloy na napatingin sa amin. It was mostly girls that kept glancing at our spot since earlier.
Hindi ako interesado, nakausap ko na crush ko. Inaya ko na ngang mag-date.
"Kinakabahan nga ako sa kanila. Balita ko, grabe na yung trainings nila this week," ani Cross na ni-replay ang laro ng Astrals noong isang araw.
Kaming anim lang ang kumain dahil ang ibang kasama namin sa team ay may mga sariling lakad. Nasa gitna kami nakaupo at pinapalibutan ang parihabang mesa.
"Crestview ang kalaban nila noong nakaraan, 'di ba?" Iverson leaned forward. "Muntik na nga akong ma-injure last time."
Hayop na 'yan. Naalala ko na naman ang mga errors ko. Bakit kasi nauso ang flashback? Tss.
"Laging may injury si Trev kapag kalaban ang Crestview. Halata talagang sinasadya ng mga gunggong na 'yon. Lalo na yung si Oliviero," seryosong puna ni Tristan.
"May injury siya?" sabat ko habang binabaliktad ang karne sa grilling plate.
Gago? Pumayag siya? Akala ko ba, ako yung mai-injury sa aming dalawa gaya noong sinabi niya last month?
"Last year pa 'yon. Siguro maayos na ngayon, pinayagan nga niyang ligawan ni Trev ang kapatid niya," bawi ni Cross habang pinapanood ako.
Lahat ata ipagtatanggol nito. Kulang na lang dasalan ang lahat ng makikilala niya.
Huminga ako ng malalim sa narinig. Last year pa pala. Akala ko, hindi na makakalaro 'yon. Gusto ko pang yabangan sa court, eh.
I suddenly thought about what Maureen said to me last time. Her brother doesn't like Ledesma for her.
Pero bakit ang ayos ng trato ni Maurer kay Ledesma kapag nasa public? Ano? Pakitang tao?
Baka pinaplastik din ako.
Kung liligawan ko yung kapatid niya, baka lihim na pala akong susumpain?
Pero wala naman akong pakialam sa opinyon niya kung sakaling mangyari 'yon. Hindi naman siya ang nililigawan ko. Kadugo lang siya ni Maureen, tss.
"Kahit hindi si Oliviero. Ang dudumi maglaro ng mga kasama niya. Minsan nga nanununtok sa court kapag nag-swag ka," ismid ni Ino na sumali na.
"It was a serious offense. Ang lala kasi na-disciplinary action tapos suspended sa game!" Tumawa si Iverson. "Pero proud pa sila na ganoon ang laro nila. Dude, kahit nanay ko na laging nagpo-post ng achievement ko sa Facebook, hindi magiging proud sa ugali nila."
Humagalpak kami ng tawa. Ang gago talaga nito.
"Hindi ako sigurado kung titino pa sila. Siguro kapag graduate na ang batch nila," hagalpak ni Tristan sabay subo ng lettuce wrap.
"Uy, nasusunog na!" malakas na sinabi ni Ino at inagaw sa 'kin ang tong.
Mas lalong umugong ang tawanan namin nang dumaing si Logan dahil natalsikan siya sa mukha nang umabante. Sinubuan na lang siya ng karne ni Cross na naiiyak na kakatawa.
"Iyan kasi, backstabber ka!" pang-aasar ni Iverson.
"I'm not even participating?" With his eyes widening and his forehead knotted, Logan punched Iverson's biceps.
BINABASA MO ANG
In Every Hues
RomanceYolo, a basketball athlete and architecture student didn't expect that he would like a man. After all the banter with him, but eventually searching for Trever's presence, he would realize the meaning behind his actions. Will he be able to entertain...