Chapter 26

7.5K 249 159
                                    

Determined

Tinakpan ko ang tenga habang nanonood ng car racing. The engines are so loud, even the hoops of the people around here. Mabuti na lang at gabi na kaya hindi mainit.

"Grabe mag-drift 'tong si Logan! Angas!" komento ni Cali na parang hindi mapakali sa upuan.

Bobo nitong si Cali.

Bakit kasi nakiupo pa 'tong gagong 'to sa gitna namin? Hindi ba siya marunong makiramdam? Dapat kapag totoo siyang tropa, tinutulak niya ako sa crush ko.

"Ang bilis niya, ah?" Trev crouched on his parted knees. "Curious lang ako kung bakit nilalagyan niya ng kaunting distansya yung kalaban. I mean, he could speed up, right?" He turned his head to me.

Nagulat ako at uminit ang pisngi dahil nahuli niya akong pinapanood siya. Cali shrugged and leaned back. Umayos ako ng upo at hinaplos ang batok habang nakatingin pabalik sa kaniya.

"Ah, 'yun ba?" I asked, trying to sound nonchalant even though my heart was beating faster. "That's called slipstreaming. It's like a little cheat code."

We're currently at the racing track. Kasali si Logan kaya nanood kami. Hilig din ni Trev 'to. Napapansin ko na kasing marami siyang shared post tungkol sa racing nitong nakaraan.

Hindi naman siya interesado tungkol dito noong high school kami.

Maingay at magulo ang paligid kaya naiirita ako. This isn't my cup of tea, but since Trev is here, I'll try to immune this atmosphere. Palagi ko na 'tong sasamahan sa mga ganito kung sasagutin ako.

"So, Logan's using it to his advantage?" His left brow raised back at me.

"His usual tactics are like this. Minsan iniiba niya."

He nodded, looking so interested as he stared back at me. Napalunok ako, samantalang sinupil niya ang ngiting pilit na kumakawala sa labi niya.

Damn, handsome.

"How does it work?"

"The one at the back closely follows the one in front. Yung nasa unahan kasi yung sumasalo ng hangin. Mas madaling mag-drive yung nasa likod kasi hindi siya masyadong napeperwisyo. Mas mabilis siyang nakakahabol."

I looked at Trev, hoping he might be impressed by my explanation. Tumango siya at muling tumingin sa unahan.

"Kaya pala..." He let out a downward smile as he nodded.

"Alis diyan, Cali!" inis kong bulong sa katabi ko.

"Ayoko nga," he stubbornly replied.

Bumuntong-hininga ako sa inis at sumulyap kay Trev na nangingiting tumitingin-tingin sa 'kin. I nibbled my lower lip and tried to smile.

"Bili ka muna ng foods."

Panay ang sapak ko sa kaniya na natatawa lang. Hindi na ako makanood ng race dahil gusto ko talagang tumabi kay Trev.

"Tss..." My baby shook his head.

Tumayo siya kaya nasundan namin siya agad ni Cali ng tingin. Yumuko siya ng kaunti sa babaeng katabi ko at bahagya itong nginitian.

"What the fuck?" bulalas ko sa gulat.

He glared at me. Bumaling sa akin ang babae na namumula. Naiinis akong umiwas ng tingin kahit na mukhang sinisilaban na ang dibdib ko.

"Ah, Miss? Pwede bang palit tayo ng upuan?" he requested.

"Ah, sige..." ani nito at tumabi kay Caliber sabay ngiti.

He took a seat beside me and glanced at me with a smile. Ngumuso ako, matalim ang tingin sa kaniya, sabay supil ng ngisi.

"Tangina, ayokong nasa hulihan ako, eh. Alam niyo namang pakiramdam ko, may hihila sa 'kin," reklamo ni Cali sa tabi ko.

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon