Chapter 15

7.4K 292 266
                                    

Fight

"Tulad mo na may pusong bato!"

Aburido akong napaupo sa tabi ni Iverson at inis na nilantakan ang barbeque. Nag-aagawan pa sina Ino at Cross sa pizza na nakalatag sa harapan nila.

The table was rectangle so it had a huge space. Nasa dulo si coach habang kausap ang isa naming player na si Elmo.

Kumakanta si Logan habang nanonood ang kalahati ng mga tao rito sa kaniya. Ang lamig ng timbre ng boses.

Pusong Bato pa ang kinakanta niya. Birit pala ang nais.

"Coincidence ata. Nandito rin ang Astrals," ngumunguyang bulong sa 'kin ni Iverson.

Kahit giligad niya ay nakikita ko kaya mabilis akong napaiwas ng tingin. Kadiri, amp. Ang ingay pang kumain.

Kumunot ang noo ko habang hindi inaalis ang paningin sa mga taong nasa isang malaking table roon sa isang sulok. Halata rin na nagsisiyahan.

I clenched my jaw when I noticed that they kept on throwing us with such arrogant glances. Nakita ko pa ang kulugo na nagbubulungan sa katabi niyang kauri niya rin, ang mga mata ay nasa amin.

"Bakit kasama mo si Trev? Himala, ah?"

"Himala nga," bulong ko, na kay Trever pa rin ang mata na nakaupo sa tabi ni Maureen na tumabi kay Chris.

Trever seemed to notice my heavy eyes on him. Umiwas siya ng tingin at kinausap saglit si Maureen. Umigting ang panga ko at diretsong nilagok ang beer.

Nagtataka namang napabaling sa akin si Iverson. I widened my eyes at him, straightly drank the beer from its tip, as my eyes hooded on Trever again.

I can see the way he grimly purses his lips when his team talks about something. I notice his sighs and even the slight furrow of his brow.

Napapalingon siya sa 'kin dahil naiilang ata sa titig ko. Halos saulado ko na ang galaw niya, lalo na tuwing hindi siya komportable.

Thinking about his discomfort, I softened my gaze. His face calmed down a bit after glancing at me.

Oof, I think I got it right.

"Bro, matunaw na 'yan," bulong ni Iverson na parang demonyo.

"Kanina pa sila rito?" baling ko sa kaniya at sumulyap kina Trever.

Iverson placed some barbecue in my plate. "Oo, mas nauna pa nga ata sa 'tin. Tinanong ni Cross kanina yung waiter, sabi one hour na raw."

Kumunot ang noo ko. "How come Trever wasn't with them?"

"Ewan, baka na-late." He shurgged.

I gripped the beer tightly as I observed their team. Tahimik lang si Trever sa tabi ni Maureen na nakikipagtawanan sa team.

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko nang makitang walang platong nakalapag sa harapan niya kahit na ilang minuto na rin siyang nakaupo roon.

Don't fucking tell me... they didn't included him?

"Bro, out of place ata si Trev," sumbong ni Tristan na ngumunguya ng pizza.

I'm glad that they noticed it, too. Napalingon din tuloy sina Coach sa table nila. I gritted my teeth as I placed some meat on another plate.

"Sinama ko nga para rito, tapos sa iba naman sumama," reklamo ko kay Iverson.

"Dude, hindi ikaw ang uunahin niya. Kahit tanungin mo 'ko, mas uunahin ko yung nililigawan ko kung sakali," he stated lazily.

"Boy best friend ang atake mo diyan, bro," tawa ni Ino sa harapan ko. "Kaso 'di na kayo friends." Nanghinayang pa siya.

"Hayaan mo na siya sa kanila." Tinapik ni Iverson ang balikat ko at ngumisi.

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon