Chapter 19

6.3K 265 273
                                    

Help

"One frappe, please," seryosong saad ko sa counter.

Iyong kahera pa rin dati ang nandito. She looked shock when she saw. Madalas na lang kasi akong tumatambay dito dahil diretso uwi agad.

"Iyon lang, Sir?" marahan niyang tanong.

"And two slices of... chiffon cake." Tumingala ako sa menu sa taas.

"Hindi na po swiss roll, Sir?"

Naiinis ko siyang tinignan. She immediately took care of my order. Nakasimangot ako habang naghihintay na ilapag niya ang order ko.

"Do you know... Trever Ledesma?" tanong ko pagkalapag niya ng kape sa counter.

I opened my wallet and let out the last yellow cash. Hindi ko muna gagastusin 'tong blue bills.

"Opo, regular customer po namin dito. Lalo na kapag mga alas-sais o alas-syete galing sa jogging."

Oh, I liked it. Detailed ang sinasabi. Maayos din naman pala ang madaldal, 'no?

"Everyday?"

"Minsan po, hindi naman siya nagjo-jog. MWF ata ang schedule ng jog niya kasi mga ganoong araw siya bumibili rito," sagot niya habang nakatitig sa 'kin.

Hayop na 'yan, parang girlfriend ang datingan niya sa mga pinagsasabi. Buti pa siya, alam ang schedule ng isa!

I nodded as I took a sip of my coffee. Hapon ngayon, baka pwedeng dito dumiretso?

"How about in the afternoon?"

Kinamot niya ang ulo. "Madalang lang po. Siguro may klase..."

"A'ight." I heavily sighed. "Thanks for answering."

Kinuha ko na ang order ko at umupo sa upuan malapit sa counter. I also placed my phone and brown Bell Roy slim wallet on the table.

I could see the students walking to different spots through the glass wall. Panay ang tingin ko sa labas, nagbabaka-sakali na makita siya.

I took another sip of coffee while scrolling through my phone. The door chime rang that I didn't mind.

"Tinatanong po ng lalaki kung anong oras kayo pumupunta rito," rinig kong sabi ng kahera.

"Sinong lalaki?"

Mabilis ang paglingon ko nang marinig ang boses ni Trev. My heart started to beat like it fucking came to life when I confirmed it was really him!

Akma akong tatayo pero agad kong kinalma ang sarili. Halos hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko at panay ang lingon sa kaniya.

Nang hindi makuntento ay lumipat ako sa katapat kong upuan para maayos siyang mapanood. Para akong binudburan ng asin dahil panay ang galaw ko.

"Ayun po, oh!" Bigla akong tinuro ng gaga.

I whistled when Trever looked at my spot. Umiwas ako ng tingin at tahimik na hinila ang cake palapit sa 'kin. It was obvious now that I moved to another seat.

"Tss, don't mind him," malamig niyang sinabi at humarap sa babae nang sumulyap ako.

Dinurog ko ang cake sa inis nang nakanguso. I could feel how my brows palpitate.

Edi 'wag! Hindi mo naman ako iniisip, eh! Sige! Magtatampo ako! Hahayaan mo lang naman ako rito kasi iba ang sinusuyo mo!

"Ano pa yung tinanong niya sa 'yo?"

Natawa ako dahil kahit hininaan niya ay narinig ko pa rin. I pouted when his eyes glared at me when it lingered.

"Wala na po siyang ibang tinanong..."

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon