Chapter 24

2.7K 132 227
                                    

Inform

"Hoy, pre! Ang tagal niyo, nyeta!" Austin shouted behind us.

Mariin akong napapikit at huminga ng malalim. Tangina ng gago, bumubwelo ako rito, lumabas pa!

I opened my eyes and gazed at Trev directly. Umiwas siya ng tingin at tahimik lang na tumayo sa harapan ko. I noticed how the color of his neck changed.

"You're blushing," puna ko nang nakangisi.

Hinaplos niya ang batok at umiling. "Gago, hindi..."

"Uhuh? Hindi, huh?" bulong ko.

I had the urge to wrap my arms around his waist. But fine, next idea for the next time!

I couldn't help but feel drawn to him, like a moth to a flame. I wanted to be closer, to feel his warmth, to lose myself in the depths of his eyes. That's how dangerous it feels right now.

"Pasok na tayo..." He swallowed hard before pushing my chest lightly.

I caught his hand as I directly stared at his face. "What's your answer, hmm?"

"Ang kulit mo..." He sighed, a small smile tugging at the corner of his lips.

"Are you comfortable?" I tightened my hold in his hand.

It feels warm. I wanted to hold it every damn single day. Ano kaya sa pakiramdam na hawakan ko ang kamay niya... bilang boyfriend niya na, ano?

Ngumisi ako sa ideyang 'yon. I'm Yolo, Trever's boyfriend. Bagay!

"Of course..." he admitted as he gulped. "It's just that..."

Umawang ang labi ko at humalakhak na talaga. He stared at me, as if I lost my mind, then he eventually looked away. Sumama pa ang mukha niya.

Shit. Did he just fucking confirmed that it's fine with him if I court him? Walang halong kemikal ba 'to? Nagbubunyi ata ang mga tao sa paligid ko nang marinig iyon mula sa kaniya!

Mukhang malalim pa ang iniisip! Wala nang bawian, ah? Sasapakin ko 'to, kahit mahal ko.

"But you're... courting..."

Umiling siya saglit. "Tagal na 'kong rejected no'n."

Tangina, talaga?

"Bro, ano ba 'yan?" sabat ni Austin sa likuran.

Nilingon ko siya saglit at sinamaan ng tingin. "Huwag kang sabat ng sabat."

"Tss, tara na kasi!" Inalis ni Trev ang kamay niya sa 'kin at nilagpasan ako.

I smirked and jogged towards him. He was really blushing! Humalakhak na naman ako habang naglalakad. I whistled a song while walking behind him, my hands are on my pants' pockets.

Takang-taka naman si Austin na sumunod sa amin matapos siyang i-fist bump ni Trev.

"Maraming chicks dito." Ginala ni Wren ang mata sa buong resto.

Umiling ako. Hindi chicks 'tong kasama ko, pero lagi akong ganado makita lang 'to.

"Puro ka babae, yung pangalan mo umabot na sa school namin dahil marami ka raw pinaiyak." Hinampas ni Austin si Wren ng tong.

I bit my lower lip as I laughed, my eyes catching a glimpse of his smile as he glanced up for a moment. It was a small, fleeting one, but it lit up his whole face.

My chest tightened over a feeling I couldn't name. Nakatingin lang naman ako sa kaniya pero pakiramdam ko, sobra-sobra na ang binibigay sa 'kin.

Damn it, Yolo. You weren't like this before!

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon