Chapter 2

12.5K 387 95
                                    

Angel

"Anong universities ang pasok sa semifinals maliban sa inyo?"

Man, I hate talking to her.

I avoided my mother's gaze when she sat in front of me. Naabutan niya kasi akong kumakain ng almusal, alas singko pa lang ng madaling araw.

I cooked hotdogs and bacons. Nilulutuan ko na sila ng breakfast bago ako umalis sa mga lakad. Para may kainin agad si Vanna pagkagising.

Pero talaga namang tyinempo niya ang mahaba-habang topic para mag-usap kami.

"Crestview, Astrals, and Avila U," maikli kong sagot habang binibilisan ang pagkain.

"Congrats... you really pursued your dream." She sounded awkward and I know she's trying hard to get my attention.

Tumango ako at tumayo na habang sinusubo ang tatlong bacon na natira sa plato. Mabilis kong nilagay sa lababo at naghugas ng kamay.

"Aalis ka na? Masyado pang maaga."

Sinundan niya ako habang naglalakad ako patungo sa fridge para kumuha ng malamig na tubig. I was really trying so hard to avoid her that I even drank the freezing water.

Fuck!

"Gusto mo timplahan kita ng kape? Para mainitan ang tiyan mo, anak..."

I snapped my head towards her. Ikinagulat niya iyon at nabalutan ng pangamba.

She knows that I hate hearing what she calls me. And still, here she is, standing so firm like she didn't do anything wrong to me. Like she didn't betray me!

It was hard keeping this anger inside. Mahirap pa rin kasing tanggapin ang ginawa niya. Even if it did take years to reconcile, the burning rage was still evident.

Pero masyado pang umaga para magdrama o pag-isipan ang mga ginawa niya noon. Tumitilaok pa lang ang mga manok sa probinsya sa ganitong oras, kaya winaglit ko ang mga iisipin.

"I can buy myself a coffee," malamig kong sagot at naglakad paalis.

"I-Ingat sa daan, Yohan..."

Sa cafe ako dumiretso at doon tumulala hanggang umabot na ako roon ng alas-siyete. Mataas na ang sikat ng araw at malamig na rin ang kape na inorder ko mula pa kaninang alas-singko.

Mabuti na lang at hindi iyong babaeng kahera ang nakaduty. Kinabahan pa naman ako habang naglalakad patungong counter kanina.

Kulang na lang ay magface-mask ako para kunyari Kpop idol.

"Two slice of chiffon cake, please."

I lifted my head when I heard a deep, baritone voice. It was Ledesma on his jogging attire: a tight black muscle shirt, black sweatshorts and his usual black squeaky sneakers.

Iyon din ang ginagamit niya tuwing may laro. Isa lang naman ang sapatos niya kahit saan magpunta. Sporty kasi ang style ng pikon na 'to.

"Good morning," ngisi ko.

Salubong ang kilay niya nang maupo sa katabing table ko. Hindi niya ako pinansin at nilantakan ang cake. Umuusok ang kaniyang black coffee na kasalukuyang nasisinagan ng araw.

"Hanggang saan inabot ang 20 pesos mo?" ani ko pa.

Muntik na akong matawa nang maubo siya habang kumakain. Halata kasing nagmamadali siya kaya inasar ko na para mabulunan.

Ganda kaya ng umaga 'pag may napikon ka.

"Kailan kita ulit makakasama sa court?" pangungulit ko nang hindi siya umimik.

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon