Chapter 31

2.8K 145 224
                                    

Boyfriend

"Ano? Lasing ka ba?" Sinipa ni Trev ang paa ko habang nakadapa ako sa kama.

I grunted and glared at him. "Hindi, pero hindi mo kailangang sipain ako kasi nahihilo ako lalo!"

"Inom ng inom, halos hindi na nga mabuhat ang sariling katawan!" parinig niya at dumiretso nang banyo.

Sumimangot ako at pilit na umupo sa paanan ng kama. I smiled as I closed my eyes, heaving a bit. Napawi lang iyon nang pakiramdam ko ay umasim ang sikmura ko.

Tangina, ayoko nang uminom!

"Hoy! Mag-half bath ka kahit saglit. Amoy alak ka, nakakasuka," reklamo niya nang lumabas sabay tungo sa 'kin.

"Bukas na. I'm too..." I yawned. "... sleepy."

Lumuhod siya sa gitna ng hita ko kaya napangisi ako nang may pumasok sa isip ko. He snorted as he took off my shoes. Namumungay ang mga mata akong tumitig sa mukha niya.

"Toothbrush na lang," pilit niya at marahan akong hinila patayo.

"Abs nga," simangot ko at nagpaakay sa kaniya.

"Mamaya, unahin mo nga muna yung toothbrush. Kabwesit 'to," inis niyang sinabi habang pinapaayos ako ng tayo at sandal sa sink.

I crossed my arms stubbornly and closed my eyes. I heard his moves as he rummaged through the drawers underneath.

"Nganga," utos niya kaya napamulat ako.

The same time I yawned was the time that he also, almost in a harsh way, placed the toothbrush in my mouth. Napaubo ako at matalim siyang tinignan.

He lazily smirked as he brushed my teeth. I bit the toothbrush, causing him to slap my face lightly. I gripped his waist.

"Bitaw."

I grinned and let him be. Nagmumog at naghilamos na ako bago bumalik ng kama. Dumiretso siya ng walk-in closet ko at suot na ang itim kong shirt nang lumabas, may hawak pang puting shirt.

He sat on the edge of the bed. Tumingin siya sa 'kin kaya napangisi ako bago tumayo sabay upo sa kandungan niya.

He heavily sighed as I rested my back on his chest. His hands snake around my waist, going towards the buttons of my shirt.

He started on my collar. Pinanood ko ang marahan niyang pagkalas ng butones ko. I even bit my lower lip when he touched my chest slowly. Ngumiti ako at matalim siyang tinignan.

"Chancing..." ismid ko pero nangingiti naman.

"Tinitignan ko kung pawisan." Umismid siya at tuluyan nang inalis ang suot ko.

Ngumingisi ako sa kaniya kaya napipikon na ata.

"Ikaw na lang magbihis sa sarili mo, bwesit! Gabing-gabi na, " inis niyang sinabi at sinubukan pa akong tinulak.

"Alright, alright, I'll behave." Sinubukan kong sumeryoso.

This impatient guy...

His hands were warm against my skin, and I couldn't help but lean into his touch. He was so focused on getting the shirt on me properly, his brow furrowed in concentration.

It was kind of cute, actually.

"You still smell like liquor," aniya.

Ngumuso ako. "Maginaw, ayoko mag-half bath!"

He hummed and stared at me. Ngumiti ako, parang nagpapa-cute, habang nakatitig pabalik sa kaniya.

But then, I suddenly yawned. Tumayo ako at dumapa sa kama. I heard his movements beside me. I looked at me with a smile on my face, while he was staring at the ceiling.

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon