Chapter 11

9.4K 382 398
                                    

Progress

"Yohan, pakisundo na yung kapatid mo kina Tiana, hijo," utos ni Lola habang binabalatan ang hinog na mangga.

"Hindi ba siya matutulog ro'n? Alas-nuwebe na, La," taka kong sagot habang pinapanood siya, nakapatong ang mga siko sa island counter.

"Hindi, sabi niya papasundo siya sa 'yo pagkauwi mo raw." She then, looked at me.

Hinaplos ko ang batok at pabuntong-hiningang tumingala. "Si Mommy ba, La? Siya na lang kaya?"

Pagod na pagod ako sa training. Bigla atang na-pressure si coach. Lakas ng tiwala niya na mananalo raw ang Astrals kaya umabot ng alas-otso ang training namin.

Buti pa si Ledesma, pinagkakatiwalaan, tss.

Umingos siya. "Huwag mong asahan 'yan. Baka anong maisipang kalokohan, wala na akong tiwala diyan sa babaeng 'yan."

Natawa ako, napapailing. "Me, too... but you can give her the benefit of the doubt."

Though, hindi ko naman siya mabigyan ng ganyan.

"Kapag may tiwala ka na sa kaniya, pagkakatiwalaan ko rin siya," aniya pa na nagpatawa sa 'kin. "Hanggang ngayon, ang konsumisyon namin ng Lolo mo ay talagang hindi mawala-wala. Paano pa kaya sa 'yo?"

Ngumiti ako. "I'm fine, La."

Her eyes narrowed as she placed down the peeler in a harsh way. "Naku, Yohan, ha! Parang hindi ako yung nagpalaki sa 'yo. Ako ang nakakatabi mo sa kama kaya nakikita ko kapag binabangungot ka. Ganoon ang epekto ng ginawa nila sa 'yo."

"La..." Bumuntong-hininga ako ng nakangiti.

God, I love my grandparents so much. They stood with me, with Trev and Cali, when I was in depth. They didn't hesitate to lend me a hand.

"Alam kong binigay na 'to ng gago mong tatay sa 'yo, ikaw may karapatan dito, pero hindi ka nagdalawang-isip na patirahin nanay mo rito dahil alam kong nirerespeto mo pa rin siya dahil nanay mo siya. Pero kung ako yung papipiliin—"

"La, I'll be fine. Come on, it's been years already. Halos mag-aapat na taon na siya rito," tawa ko at inakbayan siya.

Tinuro niya ang mukha ko. "Kahit na! Dadalhin ko yung konsumisyon hanggang sa huling hininga ko."

My heart ached at the thought.

"La, huwag mo ngang sabihin 'yan. Marami pang taon na makakasama mo kami. Come on..." Niyakap ko siya, tumatawa  kahit na hindi gusto ang ideya.

"Biro lang, apo. Sunduin mo na yung kapatid mo, puntahan ko lang yung nanay mo at tatalakan ulit." Lumayo siya at tinapik ang pisngi ko.

While staring blankly at the road, I placed my elbow on my opened car window, biting my knuckles as I drove past the cars. I sped up while clenching my jaw.

I parked outside their gate. Si Ledesma agad ang bumungad sa akin nang bumukas iyon. I grinned sheepishly as his brows knitted.

"Good evening," bati ko sa malalim at mapaglarong boses, nakangisi pa habang pumapasok nang hindi niya iniimbitahan.

"Tuloy ka pa rin sa balak mo?" rinig kong tanong niya habang binubuksan ko ang front door.

"Nandito ba si Tita Trisha?" Hinarap ko siya.

I fixed the black biker jacket that I layered over my dark green shirt. My cargo pants are a bit loose. I even pulled them up while he watched me.

"Wala, pumuntang Cebu. Tuloy ba balak mo?"

Nagpatuloy ako patungong sala. I faced him with a grin and pushed my hair backward. Nakapamulsa siya at simpleng white shirt at itim na shorts ang suot.

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon