Chapter 21

8.1K 324 549
                                    

Lipstick

From: Ledesma

Tawag ako.

Mabilis ko agad siyang tinawagan! Ako na yung tatawag!

Two rings and he picked up. Umalingawngaw agad ang tawa niya sa kabilang linya. I bit my lower lip to stop myself from smiling widely.

"Ano 'yon? Sabi ko, ako, 'di ba?" kutya niya.

Kinagat ko ang unan na yakap ko dahil tawang-tawa agad ako. Iyon pa lang naman ang sinasabi niya, eh!

"Bakit ka tatawag?" tanong ko at sumubsob sa unan, naka-loud speaker na phone kong nakalapag sa unahan ko.

"Wala pa 'kong regalo sa 'yo, 'di ba?"

"Kanina..." I puffed my cheeks when I felt it burned.

Hindi nga ako naghilamos, eh. Pakiramdam ko kasi, nasa pisngi ko pa rin yung lips niya.

"Uhuh?" His voice seemed a little raspy when he chuckled. "You consider that as my gift?"

"Oo..." nahihiya kong sagot.

Tangina. Parang alam niya na yung nararamdaman ko kung makaasta ako. Wala pa nga! Gentle lang magsalita 'yan kasi busog!

Baka sa susunod, harsh na yung salita niya kasi hindi ko na rin birthday!

"Gusto mo... kantahan kita?"

Natatawa kong idiniin lalo ang mukha ko sa unan. I wriggled my feet, especially when I felt how my stomach churned. Kinagat-kagat ko ang labi at tumihaya.

I grabbed my phone. "Yabang naman... Porket maganda ang boses..."

He chuckled. "Ano? Para naman hindi na sumama loob mo diyan."

"Video call?" tawad ko, ngiting-ngiti.

"Messenger na lang." He dropped the line.

Ilang segundo ay tumawag din siya agad. Sinuklay ko ang buhok at tumikhim. Pakulob ulit akong humiga. Inayos ko ang anggulo nang masagot ang tawag niya.

Kita lang sa camera ko ay ang nakabaon kong ilong sa unan. Kilay hanggang sa buhok ko ang nakikita rin sa screen. Ayaw kong makita niyang ngiting-ngiti ako rito.

My lips parted when I saw him holding a guitar. Topless at ang suot niyang shorts kanina ang gamit niya pa rin. Nakaupo siya sa kama at mukhang nasa bedside table niya yung phone niya.

Kita rin sa likuran niya ang iilang K-pop posters.

"Hey, Yohan... Happy birthday..." he greeted again, strumming a familiar song. "This song is a bit old but... I practice playing a guitar for some quite time now. Ikaw ang unang makakarinig sa 'king kumanta habang nagp-play ng gitara."

"Really..." My lips quivered.

Tangina... Ang hirap magpigil. Pwede bang sabihin ko na ngayon. Gusto ko nang malaman niya.

Paanong hindi ako mas lalong lulubog kung ganito umasta?

"I borrowed this guitar from Cali." Nangingiti siyang tumingala sa camera, magulo ang buhok.

"Yeah..." Nakagat ko ang pang-ibabang labi habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw niya.

"I'll start pero sa chorus lang, medyo nao-off ako sa first verse, wala ako sa tono. Ito lang muna ang gagawin ko bilang effort na rin. I missed your two birthdays. I'm sorry..." He gazed at the screen soulfully.

"Hmm..."

Niyuko ko ang ulo sa unan nang magsimula na siyang magstrum ng gitara. I tightened my hold on my phone when I felt the strums traveled within me.

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon