Chapter 27

12.3K 466 430
                                    

Bouquet

"Pahingi lang ako ng isa!" simangot ni Cali at sinubukan pang kunin sa akin ang box ng donuts.

Tinampal ko ang kamay niya at lumayo. Sumimangot siya lalo at pabadog na pumasok ng bahay nila Trev. Tumatawa akong sumunod.

"Tita, ayaw mamigay ni Yolo ng donuts! Gago, ang ganid!" sumbong niya at nagdadabog na tumakbo ng kusina.

"Para kay Trev ata, Cali!" komento ni Tita Trisha at niyakap ako nang dumiretso ako sa kaniya. "Nasa kwarto si Trev, Yolo. Kanina pa namomroblema kung ano ang uunahin sa tatlo niyang plates. Next week na ang pasahan, ang batang iyon talaga!"

"Tita, ayaw niya mamigay!" papansin ni Cali.

Tita chuckled at him before sitting on the chair, watching us argue.

"Kay Trev nga 'to! Bili ka ng sa 'yo!" inis kong singhal.

"Dalawa naman 'yan, ah?" He pointed the two boxes I dropped on the table, glaring at me.

"Kina Tita 'to..." Kinuha ko ang isang box sa pagkakatali. "Tita, huwag mo bigyan 'yan." I leered at Cali.

"Yolo!"

I chuckled and knocked on Trever's door.

"Bukas 'yan!" he shouted.

He was on his white sando and black jogging pants when I opened the door. I went inside and left the door ajar.

Tulala siya sa table niya habang pinaglalaruan ang lapis. I went beside him, placing my arm on the backrest of his chair.

"Hey..." bati ko at nilapag sa table ang donuts. "Plates again?"

I kissed his forehead, softly inhaling his minty scent. Damn it.

Tumango siya, namumula na naman ang batok. I chuckled, still standing beside him, as I opened the box of donuts for him.

"Any quizzes next week?" tanong ko.

"Sa Monday dalawa. Hindi ko na alam ang uunahin ko." He frustratedly combed his hair. "Wala pa akong review. Sixty items yung isa, yung isa naman fifty."

"Ako na gagawa ng reviewer mo."

Tumingala siya sa akin. "Huwag na."

"Tss, I'm helping you."

Ang pride talaga nito.

"Wala ka bang quizzes?"

"Meron din. Unlike you, I'm done reviewing and I finished my plates earlier this morning." I raised a brow at him.

"Kakaumpisa ko lang nitong hapon. Buong umaga akong naglinis ng bahay, si Tiana ayaw tumulong!" reklamo niya.

I handed him the butternut flavored donut. Namula na naman ang batok niya kaya tinapik ko na sa balikat para kumalma.

"Was it still about the chocolate?" I hummed softly, lowering my head to look at him.

He evaded my eyes. "Parang ganoon na nga..." Humigpit din ang hawak niya sa donut na kinakain.

"Bakit ayaw mo mamigay?"

He rolled his eyes. "Huwag kang magtanong kung alam mo ang sagot."

"What?" nangingiti kong tanong. "I don't know what you're talking about, baby."

"Corny mo talaga." Yumuko siya saglit sabay abot ng lapis.

I grabbed his notebook and opened his notes. Pinanood niya ang ginawa ko, kalaunan ay inatupag na ang tracing paper.

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon