Chapter 10

1.3K 71 117
                                    

Do

"Nasa office na si Trev," sundot sa akin ng blockmate ko.

I yawned as I stared at my sketch. It was someone's close set of eyes, a sketch I started impulsively during a dull lecture.

Nang maalalang inis nga pala ako sa kaniya ay pupunitin ko na sana kaso ilang puno na nga pala ang naputol para gumawa ng papel. Hinayaan ko na at itiniklop ang sketchpad.

"Why? May game ba?" kunot noo kong tanong.

She shook her head. "Kasali ka sa competition, 'di ba? May meeting ngayon."

Napatayo ako at mabilis na binalik sa bag ang sketchpad. I zipped it and ran outside the room. Hinihingal pa ako nang makarating sa office.

Their eyes immediately jumped towards me. Ngumiti ako at agad na bumati sa faculties. Tumabi ako ng upo kay Ledesma na nakatingin lang sa folder na hawak niya.

Nakiusyo ako habang pababang nakangiti.

He smelled nice, though. The mint was adding some thoughts inside my head. Dumapo tuloy ang mata ko sa leeg niya.

"May folder na isa ro'n." He pointed the folder on the table meters away from us.

I glanced at his red lips. Napalunok ako at umiwas ng tingin. I read the notes written down on the paper. Bumuntong-hininga siya at sinulyapan ako.

"May folder nga ro'n," irita niyang bulong.

"Edi ikaw kumuha, kita mong nag-uusap sila, dadaan ka sa gitna? Bastos lang?" irap ko at ngumingising nagbasa.

"Sariling school, na-late pa," bulong niya.

"Hindi mo 'to school, pero angas mo umasta," singhal ko.

"Papansin ka ba?"

"Sa 'yo lang naman..."

Umismid siya at tinutok ang mata sa professors na nasa harapan namin. Tumitig ako sa kaniya saglit, lalo na at namamangha talaga ako sa side profile niya.

My lips parted when he gulped as he nodded his head. Parang dahan-dahan pa ang pag-alon ng lalamunan niya kaya kumunot ang noo ko.

"I don't know why Avila and Crestview students didn't attended our meeting for today. But since nandito naman ang mga professors nila, should we start?" ani Sir Lawson.

"Yes, Sir," they said in unison.

"So, let's start with the guidelines for this upcoming competition..."

Tahimik kaming nakinig habang pasulyap-sulyap ako kay Ledesma. Niyakap niya ang bag niya at inayos ang buhok, sabay kuha ng cream puffs na matcha.

Chocolate ang paborito niya sa cream puffs, ah? Bakit matcha na ngayon, eh, paborito ko 'yan?

"Pahingi," bulong ko nang binuksan niya ang snacks niya na agad na umalingasaw ang amoy.

"Ayoko. Bumili ka ng sa 'yo."

"Hindi ako makaalis dito," bulong ko, natatakam na sa kinakain niya.

Hindi ako nag-breakfast, kape lang. Diretso agad sa school dahil deadline na ng isa kong plates.

"May paa ka, iangat mo sarili mo, makakaalis ka," pabalang niyang sagot.

"Hindi nga pwede!" giit ko, naiinis na.

He stifled a smile. "Ahas ka naman, kaya mo na 'yan."

What the fuck? Yung issue ay tungkol pala kay Maureen? Pakialam ba niya? Hindi naman na kami magkaibigan!

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon