Chapter 12

6.6K 265 288
                                    

Sense

"Jacket mo..."

While tying my shoelaces, I lifted my head when I heard Ledesma's voice. Nakatayo siya sa harapan ko at nakalahad sa akin ang hawak niyang warmer jacket.

His unexpected gesture caught me off guard. Saglit pa akong natigilan. Nang maisip na baka nangangalay na siya ay umayos ako.

I removed my hand away from my shoes, and took the jacket from him. Binati siya ng mga teammates ko na mga feeling close.

Their closeness was adding familiarity in me. Minsan nang nangyari 'to, kaya hindi ko maiwasan na maisip na paano nga kung magkasama pa rin kami sa iisang team?

"Trev, bro, na-miss kita!" Inakbayan siya ni Iverson na nakangisi.

My eyes squinted at the sight. Ngumuso ako at umiwas ng tingin.

"Recruit ka namin, Trev? Dito ka na sa Prestige. Basta Prestige?" nag-aabang na sabi ni Tristan.

"Sigurado ang future mo kay Architect Veracruz!" dugtong ni Ino.

Humagalpak sila ng tawa. Ledesma chuckled at their statements, too.

Ganyan 'yan siya. Madaling pasayahin pero 'pag sa 'kin, parang buhat niya buong game!

"Sige," tawa niya, labas na ang gilagid sa laki ng ngisi.

"Talaga?" mangha kong tanong habang yakap ang jacket na kaamoy niya.

Wew, sana nga. Easy na agad ang panalo kapag nandito siya.

"Hindi na pwede, insulto para sa university nila kapag nangyari 'yon. Team captain pa naman," iling ni Cross, dismayado pa.

Bumagsak ang balikat ko. Well, yeah, that's kind of true. It makes me want to insult the university and play with the Astral team instead.

Ledesma smirked. "You really want me bad in your team, huh? Ako lang 'to."

Ang yabang... pero may ipagmamayabang naman kasi. Pero naiirita ako!

Ang bait, parang may dilang anghel minsan kapag iba ang kaharap. Tapos sa 'kin parang si Satanas ang ugali. Ni pasalamat o bati hindi niya magawa. Parang hindi nakakakilala ng tao!

"Gusto ko kasi ikaw yung captain, hindi yung isa diyan," parinig ni Tristan pero nasa akin ang mata.

Mas lalong umingay ang tawa nila. Nanggigigil kong tinuro si Tristan na tumatawang nagtago sa likuran ni Iverson.

Pabida talaga, eh! Kasalanan ko bang napikon siya? Saka mahirap pigilan ang inggit!

"Uupakan kita!" banta ko.

Ledesma chuckled, then glanced at me. I pursed my lips and glared at Tristan who was grinning from.ear to ear.

Kasundo talaga niya yung teammates... namin... ko.

Pinapalibutan nila akong anim. Kaharap ko si Ledesma habang nasa gilid niya sina Iverson at Logan.

Naiiba siya. Tingkayad dahil medyo maputi at siguro dahil din sa suot niyang gold at itim na jersery. Ang mabangis na cougar ang tatak sa gitna, sa ilalim lang ng pangalan ng school nila.

Perhaps my eyes kept lingering on him because amidst all of us wearing blue and gray, his presence stood out. His different hue strikes differently to me.

Siguro ganoon din ang tingin ng iba sa kaniya. It's not that I'm the only beholder of his unique hue today.

"Papa-recruit ka, bro?" sulsol ni Ino. "Dito sa Prestige, may dorm at scholarship allowance pa. Saan ka pa? Dito na!"

In Every HuesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon