21

5 0 0
                                    

Chapter 21 

Clinton POV  Nang makaalis SI vharyn napangiti Naman ako.  Namiss ko talaga sya sobra.  Hindi ko Alam Kong anong meron sakanya.  Pero Hindi ko sya kayang kalimutan.  

SA loob Ng 2 buwan tiniis Kong Hindi sya kausapin . Biglaan Kasi nag karoon Ng problema SA Isa pang kompanya na naka base SA taiwan. Kaya Naman Hindi Kona naisip mag paalam. Pero dahil SA paglayo ko Lalo ko Lang syang hinanap hanap.  

Bumalik na ako SA aking table para ipag patuloy Ang aking ginagawa. Habang abala ako SA Pag review Ng mga documents sya namang Pag tunog Ng cellphone ko.  

" Hello po mama Val", bati ko sakanya.  Nang makarating ako SA opisina ay kaagad Kong tenext SI mama Val na narito na ulit ako SA pilipinas .

" Paano Naman po ako makakatangi Alam nyo Naman pong gustong gusto ko po matikman Ang mga luto ninyo." Pabiro Kong Sabi . 

Hindi Rin nag tagal Ang aming usapan.   Nagpaalam na Rin SI mama Val na mamalengke na sya para makapag luto sya Ng mga ihahanda nya SA aking pagdating.   Napangiti na Lang ako. 

Namimiss ko Lalo SI mommy at daddy.  Siguro Kong buhay sila.  Magugustuhan din nila SI vharyn .   Sumilay naman Ang mapait na ngiti SA aking labi. Hindi Rin magtatagal malalaman ko Rin ang totoong dahilan Ng pagakamatay nyo . 

Kung Hindi lang namatay SA sakit na cancer SI tita Sylvia siguro  nasabi na nya Yong bagay na gusto nyang sabihin saakin . Napahilamos ko Naman Ang dalawang palad ko SA aking mukha.    Isang katok Ang nagpabalik SA akin  SA realidad Ng buhay.  

" Come in" sagot ko .  

" Sir tumawag PO SI mr.chua nais raw PO nya kayong makausap ." Saad saakin Ni Belinda .

  " cancell mo yong iba Kong meeting. 3 pm Kay Mr. Chua" sagot ko Naman .   Akmang lalabas na Ng silid SI Bell Ng tawagin ko sya. 

"Bell ipapakiusap ko Lang Sana na walang IbAng makakaalam tungkol SA nakita mo."  Pakiusap ko rito.  

" Opo sir . Makakaasa PO kayo . "  Ngumiti Naman sya upang tugunan Ang aking ngiti . 

" Sige bumalik kana SA trabaho mo" pagaka Sabi ko ay  tumango naman sya at umalis na.   Hindi ko namalayan na pasado 1 pm na pala . Masyado akong naging tutok SA mga proposal documents para SA mga clients Namin .

  Balak ko Sana makasama SI vharyn Kaya tinawagan ko sya pero mukhang malabo ata . Nakailang tawag ako pero Hindi nya sinasagot .   Kaya Naman lumabas na ako Ng silid.  Dederetcho na Lang ako SA meeting place Namin Ni mr. Chua. 

  Bago ko lisanin Ang gusaling ito ay naisipan Kong dumaan SA marketing room para silipin SI vharyn.  Masyado syang busy Kaya hindi nya sinasagot Ang mga tawag ko .

  " Magandang hapon PO sir "  bati saakin Ng isang empleyado . 

Tumango Lang ako at Hindi man Lang ngumiti . Pasimple akong dumaan SA table ni vharyn pero Hindi man Lang ako nilingon .  Napakamot Naman ako SA aking batok . Masyadong workaholic.

Kaya Naman lumabas na ako Ng silid Isang sulyap pa kahit papaano mapawi Ang pagkasabik ko sakanya.  Nang tuluyan na akong lumabas napangiti nalang ako Ng maalala Ang nangyare kanina .  

" Hay naku nababaliw na ako ngumingiti na Lang ako Ng Basta Basta " napailing na Lang ako kahit sarili ko kinakausap ko.

Playful Destiny Where stories live. Discover now