34: Not again

820 37 16
                                    

I will dedicate this chapter to CrincessAileenGomez thank you for your stupport in this story! ❣️

Keifer

"Alam ko pong mahirap ang pinagdadaanan niyo ngayon, sir, at umaasa rin po kami sa agarang paggaling ni tatay Kristofer," sambit noong maliit na lalaking nurse. Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya't alam kong sinabi niya lang iyon upang pagaanin ang kalooban ko. Dahil din sa mga sinabi niya'y nabuhayan ako ng loob dahil alam kong nasa maayos na kalagayan si tatay. Ang tanong lang ay kung nasaan siya ngayon?

"Salamat po pero nasaan po ba si tatay? Saan niyo po siya dinala?" lakas-loob kong tanong sa kaniya.

"Actually Sir, nailipat na po namin ang tatay niyo sa isang private room. Tara po at ihahatid ko kayo sa silid niya," sabi niya sa akin at siya na mismo ang nanguna sa daan. Sumunod lang ako sa kaniya hanggang sa mapunta kami sa pinakadulo ng pasilyo kung saan naroroon ang mga pribadong silid ng ospital.

Huminto kami sa harapan ng isang pinto na may 102 na tag sa harapan. Bago buksan ng kasama kong nurse 'yon ay humarap muna siya sa akin upang magsalita.

"Nakausap na po namin si sir Krisostomo Guillermo sa telepono kanina at dahil confirmation niya na lang po ang hinintay namin ay agad din po naming nilipat ang tatay niyo sa silid na 'to matapos ang tawag niya. We already had the consent from your mother, sir. Pasensiya na po pala kung pinakaba namin kayo kanina. We didn't mean to," paliwanag niya at bahagyang tumawa.

Binuksan na nito ang pinto at inihatid ako sa loob kung saan naroroon si tatay.

"Maiwan ko na kayo, sir. Tawag lang po kayo sa telepono na nasa side table ni sir Kristofer kung may kailangan kayo para po agad na makapunta ang ibang nurse sa silid niyo. Salamat, sir at pasensiya na po ulit," paalam niya at saka umalis. Sinara niya rin ang pinto kaya naman naiwan na kaming dalawa ni tatay sa loob ng silid na ito. Hindi naman masiyadong malaki ang lugar na kinaroroonan namin. Katamtaman lang ang sukat nito at hindi hamak na mas maluwag kaysa sa silid na pinaglagian ni tatay ng mga nakaraang ilang araw. Air-conditioned din dito kaya mas magiging komportable si tatay. Hindi na rin namin kailangang magtiis sa ingay at makipagsiksikan sa ibang tao dahil kami lang ang narito. May isang bed side table sa gilid ng puting kama ni tatay at may gray blinds din sa bintana na kasalukuyang nakarolyo paibaba upang harangan ang sikat ng araw mula sa labas. May isang mahabang sofa malapit sa pinto at meron din isang single cushioned-chair na nakalagay malapit sa higaan ni tatay. Bukod sa ibang aparato at makinaryang nagmo-monitor sa kalagayan ni tatay na nasa loob ng silid ay wala ng makikita pang kahit na ano rito.

Lumapit ako kay tatay at naupo sa malambot na bangko na iyon.

Saglit ko siyang pinagmasdan at kahit na nalulungkot ay nagawa pa ring sumibol ng ngiti sa labi ko.

"Gising ka na, 'tay. Miski si tito Kris ay nagpadala na ng tulong para sa mabilisan mong paggaling," sabi ko sa kaniya na para bang naririnig niya ako. Ang sabi kasi nila ay kahit na walang malay si tatay, nagagawa niya pa ring marinig ang mga sinasabi namin. Hindi naman masamang umasa. Hindi ako mapapagod na paalalahanan siyang gumising na para malaman niyang nandito kami't naghihintay sa kaniyang pagbabalik.

"No wonder one day, umuwi si tito Kris dito para lang bisitahin ka kaya gising na, 'tay. Gagawa pa tayo ng maraming masasayang ala-ala ng magkasama. Marami ka pang utang sa akin kaya kailangan mong gumising diyan, ha? Miss ka na namin," dagdag ko pa.

Tumingala pa ako sa kisame dahil pakiramdam ko'y mag-uunahan na sa pagbagsak ang luha ko ano mang oras ngayon. Hindi kasi ako sanay na kausapin siya ng ganito.

SEKYU 1 (BL) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon