Simula

6K 135 4
                                    

"Mom! Bakit po nakafreeze ang credit card na bigay mo? Kahit kay Dad ay gaun din?" Inis na panimula ko nang makausap ko na sa phone si Mommy.

Naiinis pa ako dahil ilang beses ko pang dinial ang number nito at sa pangsampong beses pa na pagdial ko nito sinagot ang phone.

"That's the best thing to do, because your Dad told me everything." Sagot nito sa kabila, na lalong nagpakunot ng noo ko.

"And what's Dad tell you?"

"You spend too much money for nonsense things. Sa mga party mo gabi-gabi at magdamag kang umuuwi ng bahay na lasing." Balewalang sabi nito na parang hindi naman nag-aalala kung lasing nga akong umuuwi ng bahay.

"I don't care kung lasing man akong umuuwi basta huwag mo lang ifrost ang credit card ko." Paggiit ko.

"Mamaya ka na tumawag! I'm in a gathering and I'm busy signing for my new contact, right now. Let's talk later!" Iyon lang at nawala na ito sa kabilang linya.

Inis na gusto kong itapon ang cp ko dahil sa nararamdaman kong inis at galit sa ina ko. Great! Hindi man lang nangamusta sa anak niya na tatlong buwan ng hindi nagpapakita o umuuwi ng bahay.

Alam ko naman iyon eh. Alam ko sa klase ng trabaho nito bilang isang model. Right, my Mom is a model. She's a brand model inside and outside the country, that's why she's busy and forgetting her daughter.

Kahit sa edad nitong 45 years old ay maganda pa din ang hubog ng katawan, sa pangangalaga din naman ng pera at teknolohiya. Kabilaan ang pagkuha sa kaniya dahil may pangalan din naman ang Mom ko sa modeling world.

Nasa Italy nga siya ngayon dahil sa bagong contract na pinirmahan nito. Palipat -lipat ito ng bansa kung saan naroon ang bagong kontrata nito. Parang nagwiwindow shopping lang ang Mom ko sa career nito.

"Good evening, senyorita Mandie. Kakain na po ba kayo? Ipaghahanda ko ang lamesa." Bungad sa akin ni Manang nang makita ako sa sala.

"Nasaan po si Dad?" Tanong ko. Kahit maldita ako ay may paggalang din naman ako sa mas nakakatanda sa akin, lalo na kapag mabait naman ang ipinapakita sa akin.

Mas nagiging maldita ako kapag minalditahan mo. Iyon naman eh. Kung ayaw mong may gawin sa iyo, edi huwag mong gawin sa kaniya.

"Nasa office niya, senyorita Mandie."

"Sige po." Tugon ko bago lumakad pero lumingon pa muna ako kay Manang. "Ah mamaya na po ako kakain! Salamat."

Tumuloy na ako sa office ni Dad kung saan ang library na ginawa na niyang office dahil malawak naman iyon. Kumatok ako sa pinto nang marating ko ang silid na malapit lang din sa kwarto nila Dad at Mom. Sa pinakadulo ay ang silid ko naman. Tanging ako lang din naman ang nag-iisa nilang anak.

"Come in." Sagot ni Dad mula sa loob. Binuksan ko ang pinto at nagtuloy na sa loob. Nakita ko na abala ito sa ginagawang pagbabasa at pirma sa mga nakatambak na dokumento sa ibabaw ng table nito.

"Dad! Why did you defrost my credit card?" Wala ng paligoy-ligoy kong saad na kinaangat ng tingin nito. Medyo tumaas pa ang boses ko.

"Watch your tone, young lady." Medyo galit na sita nito sa akin. Nilapag ang ballpen na hawak nito saka inayos ang reading glass na suot nito at hinarap ako ng seryosong mukha nito.

Dalawang taon ang tanda ni Dad sa Mom ko ay masasabi kong matikas pa din ang pangangatawan nito. Inaalagaan nga naman nito, hindi lang ang sarili kundi pati na din ang pangalan nito sa publiko bilang isang naglilingkod sa bayan. Being a Mayor.

Ten years of service. Sampong taon na inaalagaan nito ang magandang imahe at pangalan sa publiko
Ilang awards at achievements na din ang nakasabit sa dingding ng opisina nito sa munisipyo bilang magaling na Mayor ng bayang ito.

Hunstman Series #:6- The Crazy In-love Bachelor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon